Taliyah Point of view
NAGISING ako dahil may umaalog sa paa ko, pagkamulat ko si Nathalie pala ang aga aga tapos bigla na lang sila nanggigising hindi ako tumayo sa pagkahiga ko.
Mga istorbo amputek.
"ANO!? BA YUN NATHALIE AGA AGA PA TAPOS GINIGISING MO AKO MAY KAILANGAN KA BA?" Sigaw ko sa kaniya habang nakapikit pa rin dahil paglabas niya matutulog ulit ako.
Inaantok pa ako eh.
"Di ba ngayon yung sa rehearsal niyo alas sais na ate bumangon ka na riyan." Sabi nito habang hinahampas ang paa ko kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
"Mamaya pa 10 am yun, maaga pa atsaka inaantok pa ako bakit parang mas excited ka pa sa 'kin ikaw na lang kaya lumaban doon."
"Masama ba na excited ako/kami, syempre first time mo kaya natuwa lang ako."
"Bahala ka labas na rito,"
"Oo na prinsesa,"
Pagkasara niya sa pinto ay tumayo ako at ni-lock 'to kaya gusto ko nila-lock pinto ko para sa ganoon walang istorbo sa tulog ko nakakainis kasi putol yung tulog ko sarap manapak kung hindi ko lang talaga inisip na kapatid ko siya sasapakin ko talaga siya pero mahal ko kaya hindi ko sasaktan.
Edi sana lahat ng mahal tayo hindi tayo sinasaktan at iniiwan charot.
Paalis na 'ko sa bahay, palabas na 'ko ng gate ng pagkabukas ko ay bumungad sa harapan ko si Jasmine at Bailey.
Anong ginagawa nila rito kakaloka.
"Tara na hindi na pala namin kailangan puntahan ka paalis ka na pala." Sabi ni Jasmine.
"Magco-comute lang ba tayo?" Tanong ko.
"Syempre oo, kaya tara na nakakahiya naman kung male-late tayo." Sabi pa ni Jasmine.
Hindi halata na excited siya?
"Daan muna tayo sa may Bakery hindi pa ako kumakain." Sabi ko.
"Bakit?" Tanong ni Bailey
"Basta tara na," sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa sinasabi kung bakery nilibre ako ni Bailey syempre pati rin naman si Jasmine pagkatapos namin bumili ay sumakay na kami ng jeep para maaga kami makarating roon sa school kung saan kami magre-rehearse atsaka isa pa nakakahiya rin kasi na ma-late.
Pagkarating namin ay halos magulat kami kasi almost lahat nandito na kami na lang ang kulang pati yung taga turo at coordinator. May pila kasi kaya mapapansin mo kung may kulang o wala. Umayos na rin kami ng pagkakapila.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na kami nagkaroon ng bunutan ng number sa akin napunta ang number 4 tapos 6 si Jasmine sana talaga kahit isa sa aming makapasok sa top 10 tapos manalo kahit places lang sana para naman masaya lang pero bahala na rin.
Buong maghapon kami ng rehearsal halos pasado alas dose na pero nagpa-practice pa rin kami. Anong balak nila walang kain kain aba gutom din ang mga alaga namin hustisya naman di ba.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...