CHAPTER FOUR

1.3K 56 0
                                    

"Anong problema mo? Masama ba akong ate?" Deretsyong tanong ko.

Saka ako umupo sa tabi nito na nakaupo ngayon sa kama.

Umiiyak lang siya habang hindi siya umimik pero kailangan ko siya makausap para malinawan ako sa nangyayari.

Ayoko ng magkaaway kami.

"Sabihin mo lahat ng problema mk sa akin para naman maayos tayong dalawa."

"Hindi naman kasi ikaw ang problema ate, sila mama pakiramdam ko kasi parang wala lang kami sana lahat may atensyon na binibigay." Sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga ako habang napailing. Buong akala ko ay kilala ko sila 'yon pala may mga tinatago pala silang sama ng loob kahit sa akin pa yan o kay mama at papa kaya habang maaga pa ay ayusin na para hindi na lumala pa.

"Mahal na mahal kayo ni mama, kayo ni Nathalia natuwa siya noong malaman nitong kambal kayo. Natuwa siya kasi kahit papaano yung pangarap niya na kambal natupad na kaya sobra yung pag aalaga niya sa inyo." Sabi ko.

Natatandaan ko na 'yon ang lagi nitong panalangin at ang lakas niya kay Lord kasi nasa harapan namin s Nathalia at Nathalie.

"Ate... bakit hindi ko nararamdaman yun? Bakit mas lamang ka pa rin sa amin, ikaw kasi yung matalino, ikaw yung maganda, ikaw yung mabait at ikaw rin yung almost perfect na po. Paano po maging katulad niyo?"

Umiling ako para sabihin sa kaniya na hindi yun totoo.

Bakit ba gano'n ang iniisip niya?

Hindi mo naman kailangan maging ako Nathalie, kailangan mo lang magpakatotoo sa sarili mo.

"Haist, just be yourself maging totoo ka lang sa sarili mo kaya nga dapat hindi ka na nagtatampo kay mama o kaya sa akin papahiramin kita ng mga gamit ko kapag kailangan mo. Kahit kailan mo gusto o kahit paulit ulit pa, unlimited kung ipapahiram sa'yo." Masayang sabi ko.

"Talaga!? Yes naman walang kupas the best ka talaga."

"Basta tandaan niyo mahal na mahal ko kayo, kaya kapag kailangan niyo ako nandito lang ako palagi." Sabi ko.

"The best ate talaga kaya nga ang suwerte namin ni Nathalia sa'yo eh."

"Bolera ka talaga, tama na yung drama kumain na tayong dalawa sa baba."

"Sige po ate, sunod na lang po ako sa baba."

Nauna akong bumaba rito. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat at ang naging rason ni Nathalie kung bakit may kinikimkim 'tong sama ng loob dahil nga kulang siya sa atensyon hindi ko rin naman siya masisisi kasi yun ang nararamdaman niya, malay ko ba na ganoon na pala yung nararamdaman niya. Paano hindi naman niya ako kinakausap at sinasabihan ng problema niya. Hindi sila pare parehong
nag-o-open sa akin sabi ko naman kahit hinanakit nila ayos lang sa 'kin kasi maiintindihan ko naman sila kapatid ko sila kadugo ko sila kaya kahit ano pa ang magawa nila mahal ko pa rin sila.

Pumunta na ako sa may lamesa kasunod ko ay si Nathalie na nakangiti na ngayon. At least ngayon malinaw na sa akin kaya hindi ko na kailangan hulaan pa 'to.

Isa pa happy ako na okay na kami.

Kakatapos lang namin kumain, nandito ako sa may lababo dahil ako ang naghuhugas ng pinggan  kasama si Nathalie habang Nathalia naman ay nasa kuwarto na nito sinisimulan na basahin yung binigay ni papa na wattpad books.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon