CHAPTER TWENTY-SEVEN

472 35 0
                                    

Jasmine Point of view

NAKAUWI na ako at kasalukuyang nandito ako sa kuwarto katulad ng palagi wala na naman akong magawa kaya naisipan ko na lang mag-facebook kahit walang ka chat so sad but true ganoo'n ata talaga kapag walang halaga at hindi famous pero joke.

Mag-o-online ako may ka chat man o wala.

Busy ako sa pagbabasa ng mga post ng mga ilan sa fb friend ko ng mag-ring ang cellphone ko, pagkatingin ko sa caller ay si Joaquin kaya sinagot ko na lang yung tawag niya sa akin.

Yes? Hello.

Saan ka ngayon, nandito ako sa labas niyo.

Huh!? Ano ginagawa mo riyan?

May ibibigay ako sa'yo pinapabigay sa'yo ni mama.

Eh!? Seryoso ka ba wait lang tingnan kita.

Sige akala mo naman niloloko kita, ako kaya ang niloloko.

Natawa na lang ako sa kaniya ang drama ng life niya, kaagad ko rin siya tiningnan sa may bintana, nandoon nga siya at parang halatang tinatamad na siya sa paghihintay dahil halatang pinapapak na siya ng lamok.

Sandali lang, palabas na ako.

Sige, bye.

Kaya nagmadali akong bumaba, naawa na ako sa kaniya kahit mukha akong maldita may puso naman ako  hindi lang halata kasi hindi tayo close.

"Oww!? Anong ginagawa mo rito?" Gulat kung tanong.

"May pinapabigay sa'yo si mama. Paulit ulit ka na lang kung anong ginagawa ko rito. Ayaw mo ba ako makita, hindi mo ba na-mi-miss 'tong kagwapuhan ko?" Mahangin nitong sabi kaya nakatikim ng pambabatok mula sa akin.

"Masyado ka talagang mapanakit," sabi niya habang hinawakan ang ulo na binatukan ko.

"Tse, tumigil ka sasapakin kita kapag hindi ka umayos." Sabi ko rito kaya naman sumeryoso na siya.

Bigla na lang 'tong may  inabot sa akin na paper bag habang hindi ko muna tiningnan ang laman dahil mamaya ko na titingnan kapag nasa kuwarto na 'ko.

"Thank you, pasabi rin sa mama mo salamat dito appreciated much." Sabi ko.

"You're always welcome, anyway uwi na rin ako maaga pa ako bukas gabi na rin kasi."

"Hindi ka muna ba papasok? Pasok ka muna kahit saglit lang."

"Hindi na okay na nakita naman kita tapos nabigay ko na sa'yo, okay na ako sige na pasok ka na ingat bukas."

"Sige ingat ka rin, text mo ako kapag nakauwi ka na sa inyo para alam ko. Sige na bye."

"Oo sige,"

Nagpaalam na siya sa akin kaya naman pumasok na ako at dumeretsyo agad sa pag akyat sa kuwarto, wala si mama ngayon kung nasaan nag over time siya kasi may malaking event bukas na gaganapin hayaan mo kaya ko naman na ang sarili ko. Sa tagal ba naman na ganito ang settle na ako lang mag isa ay nasanay na lang ako. Siguro kapag ilang beses na nangyari sa'yo masasanay ka na lang talaga at ayos lang kasi nauunawaan ko si Mommy, she's work for us.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon