Taliyah Point of view
NANDITO ako sa unang klase ko habang nakakaramdam ng antok kasi pesteng yawa kasi dahil ang sama ng napanaginipan ko kaya ayan hindi na ako nakatulog.
Paano ba naman kasi napanaginipan ko si papa at kuya kaya tinawagan ko sila bigla at napanatag lang ang loob ko ng malaman ko wala naman nangyari sa kanilang masama salamat naman kung ganoon.Sana laging okay sila papa roon at kuya wala sana mangyaring sa kanila na masama.
"Ms. Agustin,"
Sana hindi sila masyadong ma-stress.
"Ms. Agustin,"
Sana lagi sila maayos wala pa naman kami roon.
Nagulat ako ng hampasin ni Ms. Santos yung table ko kaya nawala ako sa pag iisip kay papa at kuya.
"What are you doing Ms. Agustin! Mali pala ano ba ang iniisip mo tinatawag kita pero hindi ka nakikinig." Sabi ni Ms. Santos sa 'kin na halos sasabog na sa galit.
"Sorry po Miss, hindi na po mauulit." Sagot ko.
"Hindi na talaga, go to the guidance and wait for me."
"Pero Ms. Santos,"
"Guidance o bagsak,"
No choice ako kaya tumayo ako dala ang bag ko ay pumunta ako sa guidance palibhasa ay terror bakit kasi sa time pa niya ako nag isip at bakit kasi first subject namin siya kaya ayan jackpot sa guidance sayang good record ko baka naman tumagilid ako sa pagiging summa cum laude ko nito, magwawala talaga ako kapag nagkataon char lang.
Advance ka Taliyah?
gano'n na lang ang gulat sa reaksyon ni Mrs. Guevara pagkapasok ko at ng makita niya ako halata sa itsura ng principal ang tanong na BAKIT KA NANDITO SA GUIDANCE?
Seriously!? bawal ba ako ma-guidance.
"What happen Ms. Santos," malumanay na tanong ni Mrs. Guevara
"Ms. Agustin are not paying attention in my class, she's out of her mind." Galit na sabi ni Ms. Santos.
"Totoo ba yun Ms. Agustin?" Tanong sa 'kin ng Principal
"Yes po pero alam ko po yung topic nila, opo aminado akong wala yung atensyon ko sa lesson pero sure akong may idea ako a
sa topic na sinasabi niyo." Sabi ko."Alam naman pala niya eh, wala naman kaso roon eh." Sabi na naman ng Principal
"Okay, magpapa-recite ako sa kaniya bukas kung alam niya talaga." Sabi ni Ms. Santos
"Sige po," confidence kung sagot.
Nag usap na lang kami at ang ending wala rin akong record syempre takot lang ni Mrs. Guevara baka nakakalimutan niya isa ako sa mga nangunguna rito sa Campus at isa pa napakaliit lang ng bagay yun tapos guidance agad ekis yun atsaka humanda si Ms. Santos sa'kin bukas hahanga yan sa'kin at wala siyang dahilan para ibagsak ako nag umpisa na ako maglakad papunta sa susunod kung klase.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...