Chapter 5

996 41 4
                                    

Living in the Past 5
Chapter 5: Similarities
Written by: RIP
~~~~~


Keisha POV


"Parang may pagkaka hawig siya kay Moon"


0____0

Napa tayo ako ng di-oras sa sinabi ni Yuta at hinarap siya

"Talaga bang wala kang magawa sa buhay mo? Sino ka para ipag hambing ako sa isang---"

"Ms Keisha"tawag sakin ni Sir kaya napa tigil ako at hinarap siya

Naka tingin siya sa litrato saka humarap sa akin

"Come here"sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at humarap sa lahat

'Oo nga may pagkaka hawig siya kay Moon'

'Kuhang kuha niya yung Mata ni Moon'

'Lalo na yung labi'

'Oh my god!'

'Sino yan sir? Si Keisha ba yan?'

'What the hell parang si Keisha'

Kumunot na ang nuo ko sa mga sinasabi nila kaya napa tingin ako sa litrato at mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babaeng KAMUKHA KO

0___0

(◎_◎;)

"Ba-bakit---"

"Kamukhang kamukha mo si Cinry"

0___0 .

"Ci-cinry?" Tanong ko

"Siya ang anak ni Moon Steler sa  librong Goblin na isinulat ng pinaka sikat na Writter na si Cloud Chavez" wika ni Sir kaya kumunot ang nuo ko


Fictional character sila?

"So Fictional Character sila?"tanong ko

"Oo--"

"Anong kinalaman ng mga Fictional Character sa Mytho?"tanong ko

"Pinaniniwalaan kasi ng ilang mambabasa na totoo sila Moon at Cinry lalo na si Luna base kasi sa pag dedeliver ng writter sa--"

"Sir opinion nila yun sir wala silang katibayan na totoo sila isa pa.." Napa tingin ako sa larawan ng babaeng kamukha ko
"Bakit nila....ginagamit ang mukha ko sa mga ganyang Libro? I mean mga ganyang stories? Hindi ba nila alam na--"

"Hindi ba pwedeng Coincidence ang lahat? "Singit ni Yuta kaya napa tingin ako sa kanya

"Or pwedeng totoo talaga sila at talagang kamukha mo si Cinry"dagdag niya natawa ako bigla

"Oo i like fantasy i love books but this one.....its....it's annoying"wika ko at tumingin sa teacher namin

"I'm sorry sir i have to go....sumasama nanaman ang pakiramdam ko"wika ko at nag madaling kinuha ang gamit ko saka lumabas sa room

Nag madali akong pumunta sa cr at mula don pinag masdan ko ang sarili ko

Kahawig ko nga ang mata at labi ni Moon pero sino ba siya? Isa pa yung Cinry... Kamukhang kamukha ko siya at masasabi kong walang pinagkaiba ang itsura naming dalawa pero sino ba sila?
Totoo ba talaga sila o kathang isip lang?
Totoo ba sila o mga fictional character lang sila?

Pero imposible kasi yung Moon...siya yung babae sa panaginip ko
Nakikita ko siya sa mga panaginip ko

"Enough Keisha, mga Fictional character lang sila "wika ko sa sarili ko

"Pero bakit naaapektohan ako kahit na fictional character sila? Isa pa coincidence lang ba talaga na kamukha ko yung Cinry?"tanong ko sa sarili ko

Umiling nalang ako at huminga ng malalim saka inayus ang sarili ko

Nawalan na ako ng gana
Gusto ko nang umuwi
Teka....Goblin? Cloud Chavez

"Pinaniniwalaan kasi ng ilang mambabasa na totoo sila Moon at Cinry lalo na si Luna"

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Manong para sunduin ako
Ilang sandali pa ay dumating na si Manong nag pahatid ako sa kanya sa mall at agad akong dumeretso sa book store

Pag dating ko sa book store agad kong hinanap ang Goblin na sinasabi nila pero wala akong mahanap na ganon

"Mam ano pong hinahanap niyo?"tanong ng babae sakin

"Ah may copy ba kayo nong story ni Cloud Chavez?"tanong ko

"Goblin po?"tanong niya

"Yes"

"Ay naubos na po mam last stock na po namin yun eh"wika niya kaya napa buntong hininga ako

"Okay salamat"sabi ko at lumabas sa book store

Lutang akong nag lakad habang iniisip yung Goblin yung Cinry at yung Moon
Teka bakit ba ako affected eh dapat nga matuwa ako dahil may kamukha ako eh tsk pero nakaka curious lang naman kasi bakit at paano ko naging kamukha si Cinry? Tapos si Moon bakit sa panaginip ko nakikita ko siya?

Baka naman iba yun baka hindi si Moon yun pero imposible---

"Sorry"

"Hala sorry po" wika ko at tinulungan yung lalaki na nabangga ko na kunin ang mga nahulog niyang gamit

"Sorry po talaga di ko po sinasadya"sabi ko at binigay sa kanya lahat ng gamit ng makuha ko lahat

Tinignan ko yung lalaki na nabangga ko
Parang kasing edad ko lang siya matangos ang ilong at pula ang kulay ng buhok siguro estudyante din to pero----

Nag tama ang mga mata namin parang gulat na gulat siya ng makita niya ako

"Okay ka lang po ba?"tanong ko sa kanya

Pero Hindi siya sumagot kaya nagtaka na ako

"Kuya may masakit ba sayo?"tanong ko

Shit nakaka takot na si kuya ah ang weird niya na!!!

"Prinsesa Cinry" yan ang lumabas sa bibig nya habang naka tingin sakin

~~~

Tweet me @redious_in
FB: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon