Chapter 20

821 30 0
                                    

Living in the Past 20
Chapter 20: Princess Cinry is Back
Written by: RIP
~~~~~



Keisha POV

Ang mga mata, ilong, labi at ang kanyang mukha. Kuhang kuha niya ang imahe ng nasa panaginip ko.

"A-anak" lumuhang wika nito habang naka tingin sakin.

Parang may kung anong kabayo sa loob ng puso ko at nag uunahang nangarera ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko may koneksyon kami na ewan. Bakit pakiramdam ko sobrang kilala ko na siya?

No, I'm just imagining na meron kaming koneksyon.

Napa pikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko at lumabas ang ilang imahe.

"Ina hahaha wag po may... May kiliti ako jan!"

"Anjan na ako anak!"

"Wag po ahahaha wahhh ina wag hahaha"

Napa mulat ako ng mga mata at muling napa tingin don sa babae na umiiyak.

Siya yung tinawag na Ina ng batang.... Kamukha ko.

Napa kunot ang nuo ko at napa tingin sa lalaking nagulat at naiiyak.

"Ama bastos daw po kayo sabi ni Ina dahil nong kabataan nyo daw ay lagi niyo siyang kinakain"

"Hahaha anak sa mundong ito kailangan madagdagan pa kayong mag kapatid. Mahirap na baka maubos ang lahi nating maganda."

"Ngunit ama hindi naman po maganda ang lahi mo. Kay Ina lamang ang maganda"

"Anong sabi mo? Halika nga ditong bata ka loka ahh anjan na ako!"

"Wahhh wag papa hahahahaha"

Tinitigan ko ang lalaking katabi ng babaeng nasa panaginip ko.

Siya yung tinatawag na Ama ng batang...kamukha ko.

"Lil sis" napatingin ako sa gilid ng mag asawa at nakita ang isang lalaking may kurona sa ulo at nakatingin sakin.

"Duh kuya ang baho ng paa mo!"

"Anong mabaho?! Bawiin mo yang sinabi mo!"

"Hindi ko babawiin! Kadiri kaya"

"Umayus ka! Sa gwapo kong toh? Mabaho?"

"Like duh--"

"Bawiin mo!"

"Hahah no!"

Siya yung tinatawag na kuya ng...kumukha kong babae.

"Moon! Nahanap na ba--" napatingin ako sa likod namin at nakita ang isang babaeng kulay puti ang buhok kasama ang babaeng brown ang buhok. Natigilan ito habang naka tingin sa amin ni Yuta

"Cinry?" Tanong ng babaeng kulay puti ang buhok. Napa atras ako ng akmang hahawakan nito ang mukha ko. Napatingin ako kay Yuta na biglang lumapit sakin at humarang.

"Don't you dare touch her. You crazy people's" sabi ni Yuta. Napakapit ako sa damit ni Yuta at napa tingin sa mga kasama natin.

"Cinry, siya si Ice(turo niya sa babaeng kulay puti ang buhok) at siya si Levi (turo niya sa babaeng kulay brown ang buhok)" sabi ni Red

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang dalawa at doon ko lang napag tantong kakaiba ang suot nila.maging si Red ay iba na din ang suot. Teka naguguluhan kami. Nasan kami?

"Red, nasan kami?" Tanong ko. Ngumiti si Red

"Nandito kayo sa mundo namin." Sabi niya dahilan para mapamura si Yuta at manlaki ang mga mata ko.

"A-ano?" Tanong ko at lumabas mula sa pag tatago sa likod ni Yuta.

"Nandito kami sa mundo niyo? Nag papatawa ka ba?" Tanong ko at napailing iling.

"Kailangan mo kaming ibalik sa bahay. Kailangan ibalik niyo ko sa bahay. Baka hanapin ako ni mommy" sabi ko.

"Cinry anak" wika ng babaeng nakikita ko sa panaginip ko. Bumaba siya mula sa trono niya kasama ang lalaking sa tingin ko ay asawa niya.

"Cinry dito ang iyong mundo... Isa kang prinsesa at--"

"Mawalang galang na po ha." Putol ko at tinignan sila ng seryoso.

"Kung may shooting kayo sabihin niyo lang samin dahil makikisali kami sa trip niyo. Pero sorry kasi kailangan ko ng umiwi dahil hinahanap na ako ng mommy ko" sabi ko

"Dito ka nararapat Cinry isa pa si Moon ang mommy mo" sabi ni Red

"Bakit ba Cinry kayo ng Cinry? Keisha ang pangalan ko. Isa pa" napa tingin ako don sa sinabi ni Red na Moon. "Hindi siya ang nanay ko." Sabi ko at tumingin kay Red.

"Ibalik mo na ko sa bahay" sabi ko

"Hindi pwede" sabi ng isang lalaki.

"Sila ang magulang mo" sabi nito

"Excuse me?" Tanong ko

"Keisha tara na lalabas tayo sa lugar na ito" sabi ni Yuta at hinila ang kamay ko. Akmang mag lalakad na kami ng mag salita yung Ice at Levi.

"Wala ba kayong galang? Igalang nyo ang inang reyna at amang--"

"Wala sa listahan ko yan" putol ni Yuta at pinag patuloy ang pag hila sakin.

Napa tingin pa ako don sa Moon at nakitang umiiyak ito sa bisig ng kanyang asawa. Parang pinunit ang aking puso sa aking nakikita.  Bakit iba ang pakiramdam ko?

~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon