Chapter 22

871 32 3
                                    

Living in the Past 22
Chapter 22: Reincarnation
Written by: RIP
~~~~~


Keisha POV

"Whow" bulaslas ko at dahan dahang lumabas mula sa pag tatago sa likod ni Yuta at naupo sa harap ni Red habang naka tingin sa apoy sa kanyang kamay.

"Paanong nangyare yan? Hindi ba masakit? Hindi ka ba napapaso?" Tanong ko habang naka tingin sa apoy na sumasayaw. Oo sumasayaw talaga nag twe-twerk pa nga eh

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mawala ang apoy sa kamay ni Red kaya napatingin ako kay Red. Ang kanyang mga mata naman ngayun ang umaapoy sunod ang kanyang buhok. Na parang lava kung tignan

"Whow" sabi ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng buong katawan na ni Red ang nag aapoy

"Wahhhh nasusunog si Red!" Sigaw ko at akmang tatayo ng biglang mawala yung apoy sa katawan ni Red at bumalik siya sa dati. Parang hindi siya nasunog or hindi talaga siya nasunog kasi puti parin yung balat niya eh baka engkanto siya?

"Ayus ka lang ba Red? Ano saan masakit? Mainit ba? Ang hot ko kasi pero mas hot ka" sabi ko. Muling nag apoy ang buhok ni Red dahilan para magulat ako.

"Wag kang matakot. Hindi ako mamamatay o masusunog kapangyarihan ko lang talaga yan. At automatic na nag aapoy yung buhok ko pag madilim" sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"May kapangyarihan ka?" Tanong ko. Naramdaman kong umupo si Yuta sa tabi ko. Pero nanatili ang paningin ko kay Red.

"Oo, halos lahat ng narito sa mundo namin may kapangyarihan" sabi niya "maliban sa inyo?" Dagdag niya

"Engkanto ba kayo?" Tanong ni Yuta dahilan para mapatingin ako kay Yuta. Narinig kong tumawa si Red kaya muling nabaling ang paningin ko kay Red

"Hindi kami engkanto,maligno o ano pa mang tawag niyo sa mga nilalang na kakaiba" sabi niya saka huminga ng malalim

"Gaya niyo. Tao din kami" sabi ni Red kaya napakunot ang nuo ko "pero may kapangyarihan. Naniniwala ba kayo sa vlogur?" Tanong ni Red kaya napakunot lalo ang nuo ko

Ngayun ko lang narinig yung Vlogur. May salita palang ganon?

"Yung pagkakahati ng dalawang mundo?" Tanong ni Yuta dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Oh eh di siya na matalino. Biruin mong alam niya pala yun

"Oo" sagot ni Red.

"Na ayun sa isang metolohiya. Ang earth ay may kakambal na planeta na nasa tabi lang nito?" Tanong ni Yuta.

"Oo. At ang mundo niyong mga normal na tao at mundo naming kakaibang tao ay ang tinutukoy." Sabi ni Red

"Naka tira kayo sa Earth. Sa planetang walang mahika at kami nakatira sa kakambal ng earth na merong mahika. At ang isa pang deperensya. Ang mga normal na taong gaya nyo ay tumatanda pero kaming mga kakaibang tao ay di tumatanda" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko

"Ilang taon ka na?" Tanong ko

"790 years old" nanlaki ang mga mata namin ni Yuta sa sinabi niya.

"Vampire ka?" Tanong ko natawa naman si Red at umiling

"Hindi. Pero merong bampira dito sa mundo namin. Nasa malayo nga lang" sabi niya.

"Bakit mo kami dinala dito?" Tanong ni Yuta dahilan para mapatingin si Red sa kanya.

"Dinala namin kayo dito dahil.... Dahil gusto naming maging masaya si Moon." Agad na lumungkot ang boses niya at muli ko nanamang naalala yung babaeng tinatawag akong anak kanina.

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon