Special Chapter 1

1.5K 39 29
                                    

A/n: at dahil namiss ko kayo! Isang special chapter para sa mga mahal kong bibeh!
I miss moon so ayun gumawa ako ng isang special chapter.
And sana mabasa niyo ang aking bagong storya which is 1597 Princess, ang bagong mag papakilig, mag papabaliw at iiyakan niyo hihi
Happy reading!

~~

Moon POV

"Welcome to Heaven Thunder!" Masiglang sabi ni Star at ginulo gulo pa ang buhok ni Thunder. Natawa ako dahil hindi naman kilala ni Thunder yung mga kasama ko.

"Ughm... Guys di pa niya kayo kilala." Sabi ko kaya natigilan sila at tumingin kay Thunder.

"Ang daya! Bat kami kilala ka pag kami di mo kilala." Naka pout na sabi ni Rain.

"Bobo ka talaga no? Malamang wala pa sya sa book 1 non book 2 pa eksena niya." Sabi ni Star.

"Nasa book 2 na ako non!" Sabi naman ni Rain.

"Unti lang naman exposure mo!" Pang aasar ni Star.

"Aba talagang--"

"Guys!" Awat ko kaya natigilan sila.

"Sila Shadow, Zero at Luiz lang di niya kilala." Sabi ko kaya tumango tango sila.

"Yow bro I'm Zero ang number 1 ni Moon." Sabi ni Zero saka inakbayan si Thunder.

"Pasalamat ka namatay ako kung hindi baka kami nag katuluyan nyan." Sabi ni Zero kay Thunder kaya napa iling ako.

"Hoi! Anong kayo! Nandito din ako!" Sabat naman ni Shadow.

"At ano? Number 1 ka? Hoi! Ako ang number 1 kasi simula ng pumasok si Moon sa academy ako ang una niyang nakilala di ikaw!" Sabi ni Shadow.

"Pero hindi naman ikaw ang unang minahal niya." Pang aasar ni Zero.

"Owww bars betch!" Pang aasar ni Rain,Dove at Voltz kay Shadow.

"Hoi! Kayong tatlo manahimik nga kayo!" Sabi ni Shadow saka tinignan si Zero.

"Yabang mo ah parang di tayo nag usap na aawayin natin si Thunder ah." Sabi mi Shadow kaya tinignan ko sila ng masama.

"Charot lang." Bawi niya.

"Kahit mag away pa kayo hindi naman kayo yung last nya." Singit ni Star na nasa tabi ni Thunder at may hawak na pagkain.

Pati ba naman dito sa langit nakain parin yan?

"Si Thunder parin ang pinakasalan niya. Kayong dalawa nasan ang pinag mamalaki niyo?" Tanong ni Star.

"ANG EPAL MO!" sabay na sabi ni Zero at Shadow.

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon