Chapter 31

804 24 9
                                    

Living in the Past 31
Chapter 31:The Moon and Moon
Written by: RIP
~~~~~

  
Keisha POV

Masaya kong pinag mamasdan ang lahat ng nakisali sa laro na tamaang tao. Isa na don si Yuta, sa una ay ayaw niya pang sumali dahil mas gusto niya daw na katabi ako kesa makisali sa laro na iyon. Pero ng inasar ko siya na bakla at duwag. Ang sama ng tingin niya sakin at sinabi na kapag nanalo siya. Hahalikan ko siya ng isang oras. As if naman manalo siya kaya pumayag ako.

Pero parang mananalo nga talaga ata siya dahil yung mga kasama niya ay natamaan na ng bola, si Dark at Cloud maging siya nalang ang natitirang naka tayo. Si Yuan at Thunder ang nag babato ng mga bola. At masasabi kong may pagka isip bata ang mag ama hahaha pero ang cute nila pag masdan.

Nakay Yuan ang bola, at ang bilis niyang kumilos. Agad niyang binato ang bola sa dereksyon ni Cloud pero mas mabilis kumilos si Cloud dati sa isang kurap ng mata ay nasa gilid si Cloud at naka ngiti saka kumaway kay Yuan. Nakay Thunder na ulit ang bola at binato nya ito sa dereksyon ni Dark pero naka ilag si Dark. Nag patuloy ang ganong laro hanggang sa binato ni Yuan ang bola sa dereksyon ni Yuta. Tatawa na sana ako kaso nasalo ni Yuta ang bola dahilan para magkaruon ito ng panibagong buhay.

Ang daya!

"Burot!" Nang aasar na sabi ni Dark kay Thunder at natawa ang lahat ng tignan ng masama ni Thunder si Dark pero nilabas lang ni Dark ang dila niya saka inasar ng inasar si Thunder hanggang sa ibato ni Thunder ng napaka bilis ang bola sa dereksyon ni Dark at natamaan sa mukha si Dark dahilan para tumalon talon sa tawa si Thunder.

Natatawa akong tignan ang mga nag lalaro. Nabaling ang paningin ko kay Moon na nakatingin lang sa mga manlalaro, walang mababakas na ngiti o saya sa kanyang mukha. Napaka lungkot ng kanyang mga mata na para bang ano mang oras ay iiyak siya.

"Ina.." Tawag ko, naka ngiti siyang tumingin sakin.

"Bakit anak?" Tanong niya.

"Nagustohan niyo po ba ang cake na ginawa namin?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Napaka sarap anak, nagustohan ko iyon at talagang ang mga paborito ko pang flavor ang iyong naisipang gawin." Naka ngiting sabi niya.

"Ayus lang po ba kayo? Napansin ko po kasing hindi kayo masaya. Baka nasira po namin yung araw--"

"Anak, ayus lang ako." Putol niya at inayus ang buhok ko.

"Sa totoo nga niyan itong birthday na ito ang pinaka memorable na kaarawan para sakin. Nagustuhan ko ang cake na ginawa niyo ni Widow, ang kantang inalay mo para sakin at ang mensahe niyo para sakin." Naiiyak nyang sabi.

"Lagi mong tatandaan anak.. Mahal ko kayo kahit nasan man kayo...." Sabi niya at tuluyang tumulo ang luha niya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kanyang mga pisnge saka ngumiti.

"Mahal na mahal din po namin kayo ina.." Sabi ko sa di ko alam na kadahilanan naramdaman kong parang kinakabahan ako na ewan.

Tumingin siya sa langit.

"Nakikita mo ba ang buwan na iyon." Sabi niya saka nakaturo don sa buwan na sinabi sakim ni Yuan na kadugtong ng buhay nya.

"Yun ang aking tirahan, lagi kang titingin sa buwan na iyon sa oras na may problema ka kausapin mo lagi ang buwan na iyon." Sabi niya kaya napatingin ako kay Moon.

"Bakit ko kakausapin ang buwan na iyon ina kung nanjan naman kayo." Sabi ko, tumingin siya sakin na ang mga mata ay nalulungkot.

"Kung sakaling ako ay pupunta sa buwan na iyon..." Tumigil siya at ngumiti. "Lagi ko paring maririnig ang iyong mga sinasabi kahit na nandon ako." Sabi niya pero alam ko ang totoo.

"Whoooo go Widow!" Napa tingin kami sa mga nag lalaro. Nakita naming si Yuta nalang ang natitirang naka tayo sa harap. Halata sa kanya ang pagod.

"Ayoko na! Suko na ako!" Napatingin kami kay Thunder na hinihingal.

"Ang daya, bakit kasi nasa inyo si Widow. Dapat saamin siya. Kanina pa namin siya binabato pero lagi niyang sinasalo. Naka 20 bato na ako salo parin sya ng salo. Kamag anak niya ata ang bola." Sabi ni Thunder kaya natawa kaming lahat.

"Itigil na ang laro, may bago akong ipapalaro sa inyo." Sabi ni  Moon kaya napatingin sa kanya ang lahat.

Napa tingin sakin si Yuta at napa ngisi kaya naman kinabahan ako.
Isang oras na halik punyeta!

"Bukas  niyo pa ito lalaruin, naiintindihan ba?" Tanong ni Moon kaya tumango ang lahat.

"Bukas, 6:00 AM lahat ng nasa palasyo, tagasilbi, tagapagpayo, mga kawal,heneral,basta lahat ng naririto sa palasyo maliban sakin ay lalabas ng palasyo para sa laro na ito." Sabi niya kaya naexcite ang lahat maging ako.

"Pati ako mahal?" Tanong ni Thunder.

"Oo, pati ang hari at reyna maging ang prinsepe." Sabi niya kaya natuwa ang lahat.

"Mahahati ang lahat sa tatlong grupo, sa unang pangkat mamumuno si Yuan, sa pangalawa ay si Red at sa pangatlo ay si Thunder. Pumili kayo ng magiging grupo nyo. Ang gagawin niyo, sa kagubatan ng winsoul may itinago akong isang bagay na kahit ang kayamanan ay di mapapantayan iyon. Kapag nakita niyo iyon kailangan niyong maubos lahat ng nandoon, at doon din kayo mag papalipas ng gabi " sabi ni Moon kaya na excite ako, first time lang to mangyare sa buong buhay ko.

"Sa susunod na araw kayo babalik dito at sa pag balik niyo..." Tumigil si Moon at ngumiti "may ibibigay akong isang bagay sa naunang grupo na nakakita sa bagay na inilagay ko sa kagubatan." Sabi niya kaya naman na excite ang lahat.

Ako din! Na excite!

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon