Living in the Past 28
Chapter 28: June 8
Written by: RIP
~~~~~Kiesha POV
Napa balikwas ako ng bangon ng maalala ang kagimbal gimbal na linyahan ni Yuta nong huli naming pag uusap.
"Itatanan kita."
"Wahhhh Yuta naman eh! Bakit ba nag bibitaw ka ng mga ganong nakakatakot na linyahan? Alam mo bang para na akong baliw? Hindi ako makatalug ng maayus kagabi dahil pakiramdam ko binabangungot ako sa sinabi mo!" Singhal ko sa aking sarili saka napa sabunot sa aking buhok. Napa tingin ako sa bintana. May sinag na ng araw, bumangon ako sa aking kama at nag lakad palapit sa bintana. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang isang napaka gandang paligid.
Whow ang ganda....
Hindi ko mai describe ang ganda ng nakikita ko ngayun. Ang tanging masasabi ko lang ay MAGANDA."Lil sis..." Napa tingin ako sa nag salita at nakita si Yuan na naka tayo sa likod ko.
"Ughm... Good morning kamahalan..." Sabi ko at nag bigay galang.
"Para kang sira no? Sino nag sabi sayong mag bigay galang ka? Isa kang prinsesa Cinry...." Natatawa nyang sabi at lumapit sakin saka tumingin sa bintana.
"Pag masdan mo ang langit." Sabi niya kaya pinag masdan ko ang langit, nakita ko ang isang buwan na kulay kahel.
"May buwan parin?" Tanong ko.
"Narito kasi si Ina kaya may buwan..." Sabi niya. Napa tingin ako sa kanya, naka tingin siya sa langit.
"Anong koneksyon ng buwab kay Moon?... Este kay Ina?" Tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba? Yang buwan na yan ang sinasabing buwan na tinirhan ni ina, hiniling niya iyon ng manalo sila sa MPA." Sagot niya
"Kadugtong niyan ang buhay ni ina." Dagdag niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Nakakapag taka nga lang dahil paliit ng paliit ang buwan, tinanong ko si ina kung bakit lumiliit ang buwan, ang sabi niya natural lamang ito dahil hindi na siya masyadong nag pupunta jan." Sabi niya. Napa tingin ako sa ibaba.
Kung ganon, hindi alam ni Yuan na may sakit si Moon. At kaya paliit ng paliit ang buwan ay dahil sa malapit ng mawala si Moon.
"Surpresahin natin siya." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya
"Para saan?" Tanong ko.
"Kaarawan ni ina ngayun, at halos lahat ng mga nilalang sa buong Winsoul ay nag bibigay na ng regalo kay ina, mukhang tayo na ngalang ata ang walang regalo kay ina eh." Sabi nya.
So birthday ni Moon ngayun? Teka anong araw ba ngayun?
"Anong araw ba ngayun?" Tanong ko
"June 8" sagot niya at tumingin sakin.
"May naiisip ka na bang regalo?" Tanong niya sakin at napailing ako.
"Bukod sa baby wala na akong maisip." Sabi ko agad nya namang pinitik ang nuo ko.
"Aray bakit mo naman ako pinitik?" Tanong ko at napahawak sa parte na pinitik niya.
"Umiiral nanaman ang pagiging pilya mo." Sabi niya at napa isip.
"May naiisip ka ba?" Tanong ko.
"Wala eh, nasa kanya na kasi ang lahat." Sagot nya.
"Ano kaya kung kantahan natin sya?" Tanong ko kaya napatingin siya sakin.
"Kantahan?" Tanong nya.
"Oo tas gawa tayo ng LSM para sa kanya." Sabi ko
"LSM?" Tanong niya
"Long sweet message." Sabi ko. Nag isip muna sya ng ilang sandali saka nakangiting tumingin sakin.
"Maganda yang naisip mo, ako ng bahala sa message ikaw ng bahala sa kanta." Sabi niya
"Okay, pero wag mo munang ipaalam kay ina na may ganon tayo ah dapat surprise" sabi ko.
"Mag kakaruon ng kasiyahan mamaya para sa kaarawan ni ina, tiyak akong may mga pasabog na gagawin ang mga kaibigan ni ina. Tayo ang pang huli." Sabi nya kaya tumango ako.
"Mag ayus ka na, kita nalang tayo sa baba mamaya. Pupuntahan ko nalamang si ina." Sabi niya kaya naman tumango ako.
Pagkalabas nya ang siyang pagpasok ni Yuta sa loob ng kwarto ko dahilan para mapairap ako.
"Ano nanamang kailangan mo Yuta?" Tanong ko.
Ang sama ng tingin niya sakin, hindi niya ako sinagot sa halip ay lapit lang ito ng lapit sakim hanggang sa makulong niya nanaman ako sa pader.
"B-bakit nanaman?" Utal kong tanong.
"Kumusta tulog mo?" Tanong niya kaya naka hinga ako ng maluwag, akala ko kasi mag seselos nanaman to kay Yuan. Woi excuse me! Kapatid ko yun este kapatid yun ni Cinry kaya wala siya dapat ikaselos!
"Ayus naman, di naman ako binangungot kagabi. Naka tulog naman ako ng matiwasay habang iniisip yung sinabi mong itatanan mo ko. Ayus lang naman talaga ako Yuta hindi naman ako napuyat kakaisip don saktong ayus lang talaga ko." Sarkastiko kong sabi ko. Tinignan niya ako ng masama kaya napa peace sign ako.
"Anong pinag usapan niyo?" Tanong niya.
Mukhang nagkamali ata ako. Nag seselos nanaman siya
"Wala ka na don." Sabi ko
"Sasabihin mo o hahalikan kita?" Tanong niya dahilan para kabahan ako.
"Hoi hindi na magandang biro yan Yuta ah, isa pa pag hinalikan mo ko magiging palaka ka. Bad breathe ako wala pa akong sepilyo at isa pa..." Napa tigil ako at napa tingin ako sa labi niya na naka ngisi.
"Pag hinalikan mo ko... Makukuha mo first kiss ko, dapat si Six lang makakuha non at--"
0__0
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinalikan aa mga labi ko. Isang matagal na halik na naging dahilan ng pag wawala ng puso ko at pagka bigla ko.....
Ang first kiss ko..... Nakuha na ng walang hiyang Yuta na toh.... Pano na si Six? Ano na makukuha ni Six?! Dibale may virginity pa naman ako... Yun nalang ibibigay ko kay Six..
Pero yung first kiss ko!
Hayop ka Yuta! Animal ka! Mag nanakaw!
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...