Living in the past 40
Chapter 40: Back to Earth
Written by RIP
Keisha POVUmiiyak kong pinag mamasdan ang kwintas na suot ko mula sa salamin dito sa kwarto ni Cinry.
Hindi ko lubos akalain na magaganap ang lahat ng ito, ang pagkaka alam namin ay mag tatagal pa ng ilang araw ang buhay ni Moon. Kung alam ko lang na magaganap itong mga ito ay hindi na sana ako umalis sa tabi niya.
Nakaka panghinayang dahil ang nilalang na nag paramdam sakin ng pag mamahal habang nandito kami sa mundo nila ay lumisan na.
"Keisha..." Napatingin ako sa tumawag sakin.
Si Red."Bakit?" Tanong ko
Huminga siya ng malalim. Halata sa mga mata nya ang pagka mugto.
"Hanapin mo si Yuta." Sabi niya.
"Para saan?" Tanong ko
"Basta sumunod ka nalang." Seryoso niyang sabi kaya naman dali dali akong lumabas ng kwarto ngunit naalala ko yung papel na iniwan ni Moon dito sa kwarto kaya naman agad ko iyong kinuha at inilagay sa bulsa ko saka hinanap si Yuta.
Natagpuan ko si Yuta sa labas ng palasyo. Naka upo sa fountain at naka tingin sa buwan.
"Yuta." Tawag ko. Humarap siya at tinignan ako.
"Hinahanap kay ni Red." Sabi ko. Tumayo siya at lumapit sakin.
"Bakit daw?" Tanong nya.
"Hindi ko alam tara " sabi ko at hinila siya papasok sa palasyo, nasa tapat palang kami ng pinto ng palasyo ng lumabas sila Cloud at Red kasama si Astro.
"Sumunod kayo samin." Sabi ni Red at nag lakad.
Takang taka man ay sumunod kami sa kanila hanggang sa mapadpad kami sa isang gubat."Anong ginagawa natin dito Red? Hindi ba dapat nasa palasyo tayo at inaayus ang mga labi ni Moon?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pag lalalad at tumigil sa tapat ng isang puno.
"Buksan mo na Cloud." Sabi ni Red. Humarap si Cloud sa puno at tinapat ang kamay. Maya maya pa ay nag karuon ng liwanag sa gitna ng puno.
Humarap sakin si Red at ngumiti.
"Tapos na ang misyon niyo." Sabi ni Red kaya nag tinginan kami ni Yuta.
"Napasaya niyo si Moon at nag papasalamat kami sa ginawa nyo. Maaari na kayong bumalik sa mundo niyo." Sabi niya dahilan para matigilan ako.
"T-teka lang.." Sabi ko.
"Bakit agad agad? Hindi ba pwedeng--"
"Pinapa balik na kayo ni Moon sa mundo niyo at yun ang huli niyang utos sa amin." Sabi ni Red at muling nalungkot ang mukha niya.
"Salamat sa lahat Keisha at Yuta. Kailan man ay hindi namin kayo makakalimutan. Naiguhit na ng bituin ang inyong pangalan sa kalangitan." Sabi ni Red at ngumiti.
"Pero--"
"Astro.... Gawin mo na." Sabi ni Red. Napatingin kami ni Yuta kay Astro na biglang umilaw ang mata.
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantastik|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...