Chapter 26

889 28 6
                                    

Living in the Past 26
Chapter 26: Party
Written by: RIP
~~~~~


Keisha POV

Halos mabaliw ako don sa huling sinabi ni Yuta bago niya ako iwan sa kwarto ni Cinry kanina.
Baliw ba siya? Bakit niya ako itatanan? Isa pa ano bang ginawa ko sa kanya para mabaliw siya? Hayst baliw na lalaki!

Kanina pa nag simula yung kasiyahan at lahat ng nilalang na may matataas na opisyal ay imbitado, halos lahat ay nagulat ng makita nila ako. May nag sabi pa na baka daw isa lamang akong lamang lupa na nag katawang tao at ginaya si Cinry, aba sa ganda kong ito isang lamang lupa ang sasabihin sakin?

Sobrang saya ni Moon kung titignan, pero muli kong naalala yung sinabi ni Red na may Sakit siya. Alam ba ni Moon na may Sakit siya?

"Anak, bakit hindi ka sumayaw sa gitna kasama ang iyong kaibigan?" Tanong ni Moon sa akin kaya napa tingin ako sa kanya.

"Nako wag na po. Ayus na po ako dito." Sabi ko at ininom yung tubig na nasa harap ko.

Alam niyo ibang iba nga talaga ang mundo nila sa mundo ng mga tao. Biruin mo tubig nila RC whow ewan ko kung RC tawag dito ah kasi naman lasang RC yung tubig nila kaso kulay Blue. Tapos merong ilang pagkakapareho na pagkain ng tao sa pagkain nila, gaya nitong pinaupong manok.

"Naninibago ka ba anak?" Tanong ni Moon kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ughm... Opo eh. Sa mundo po kasi namin este ng mga tao.... Walang ganitong mga pagkain at magagarang kasuotan." Sabi ko. At ngumiti.

Hinawakan niya ang buhok ko kaya napa tingin ako sa kamay niya na nasa buhok ko at muling binalik ang tingin sa mukha ni Moon. Para siyang dalaga teka ilang taon na ba siya?

"867 Years old na ako anak." Sagot ni Moon dahilan para manlaki ang mga mata ko. Teka nababasa niya ba ang nasa isip ko? Don't tell me mind reader siya?

Natawa si Moon at pinisil ang pisngi ko.

"Oo anako, nababasa ko ang iyong isip. At kanina ko pa alam na iniisip mo si Widow." Sabi niya dahilan para mamangha ako.

"Whow talaga po? Nababasa niyo po isip ko? Pano po yun? Maganda po ba ang ganyang kapangyarihan? Pano po kayo nagkaruon ng ganyang kapangyarihan? Ang cool." Sabi ko at natawa naman si Moon sa sinabi ko.

"Mukhang may gusto sayo si Widow anak." Sabu ni Ina dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa isang sulok kaya sinundan ko ito ng tingin at nakita si Yuta na nakatingin sakin.

"Pani niyo po nasabi ina? Nababasa nyo po ba ang isip nya?" Tanong ko.

"Oo, at alam mo ba kung anong sinasabi niya? Ang sabi niya masyado mo daw siyang binabaliw, ano bang ginawa mo sa kanya para maging baliw siya na ganon." Sabi ni Moon at tumingin sakin.

"Wala naman po akong ginawa sa kanya ih, siya itong baliw. Bigla bigla nalamang nya inaaway si Six, dinadamayan ko lang si Six kanina kaya niyakap ko siya tapos kung ano ano na mga sinasabi ni Yuta este ni Widow, sabi niya di daw ako pwedeng makipag usap sa ibang lalaki bukod sa kanya. Hindi ba't baliw na sya? At sino naman siya para sundin ko ang sinabi niya? " inis kong sabi kay Moon at napa tingin kay Moon ng tumawa ito.

"Alam mo anak, ganyan din ang iyong ama sakin noon, masyado siyang seloso." Natatawang sabi ni Moon at tumingin sa gawi ni Thunder na busy makipag saya sa isa nitong anak na si Yuan at sa tropa nitong sila Dark at Yuro isama na natin si Cloud.

"Naalala ko noon ng kaming tatlo lang nila Yuro at Thunder ang mag kakasama. Nag aagawan sila sa mga bagay na buhat ko at lagi silang nag tatalo non." Natatawang sabi ni Moon at tumingin sakin.

Hinawakan niya ang aking kamay dahilan para tumaas lahat ng balahibo ko at makaramdam ng kung anong enerhiya.

"Lagi mong tatandaan anak, hindi minamadali ang pagibig... Kusa yan dadating ng di mo namamalayan." Sabi niya at ngumiti.

"Si... Si Thunder.. Este si ama po ba ang first love mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya at umiling.

"Kung ganon sino po?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"Si Zero." Sagot niya dahilan para kumunot ang nuo ko.

"Sino po iyon ina?" Tanong ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang buhok ko.

"Siya yung unang lalaking nag patibok ng puso ko anak, siya yung dahilan kung bakit buhay pa ako ngayun." Sagot niya.

"Ibig sabihin po niligtas ka niya?" Tanong ko.

"Oo, pero bago yun. Ibinigay niya sakin ang isang buhay niya nong araw na nag aagaw buhay ako." Sabi nya.

"Ibig sabihin po, nag 50-50 kayo tapos binuhay ka po niya?" Tanong ko.

"Oo, tapos nong araw ng isang party, nag kagulo non at tinangka akong patayin ng isang nilalang na may galit sakin. Pero imbes na ako ang tamaan ng spada, si Zero ang sumalo ng spada at siya ang namatay." Malungkot na sabi niya kaya nalungkot ako.

"Tapos po ba ni Zero si ama na?" Tanong ko. Umiling ulit siya kaya nag taka ako

Grabe ang haba ng buhok niya ah.

"Pagkatapos ni Zero, sumunod si Shadow." Sabi niya dahilan para ma curious ako.

"Ano pong nangyare kay Shadow? Buhay pa po ba si Shadow?" Tanong ko.

Umiling siya at bakas sa mata ang lungkot.

"Ibig sabihin po namatay din si Shadow?" Tanong ko.

"Oo, kasi nong araw na patapos na ang laban namin sa MPA, yung taong nag tangkang patayin ako sa party ay nag tangka nanamang patayin ako sa araw ng MPA. At gaya ni Zero, hinarang ni Shadow ang kanyang sarili para hindi ako ang matamaan ng spada." Malungkot na sabi niya.

"Ibig sabihin po, dalawang lalaki muna ang nag buwis ng buhay bago niyo makilala si ama?" Tanong ko.

Tumango tango siya at ngumiti.

"Sino po ang mas mahal niyo ina? Si Zero, Shadow o si Ama?" Tanong ko. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Syempre ang iyong ama." Sagot niya at tumingin sa mga mata ko.

"Kaya anak, wag kang mag mamadali pag pagibig ang pag uusapan naiintindihan mo ba? Baka kasi magaya ka sakin anak. Baka may dalawang lalaki din ang mag bubuwis ng buhay nila bago mo makilala ang nakatadhana para sayo." Sabi niya kaya natahimik ako.

Ibig sabihin hindi si Yuta makakatuluyan ko? Grabe ang saklap naman pala non?

Hayst kawawang Yuta, mukhang hindi ata ikaw ang destiny ko.

Sana si Six nalang hihi

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon