Living in the Past 13
Chapter 13: Red and Keisha
Written by: RIP
~~~~~Red POV
Aking iminulat ang aking mga mata ng may boses ang narinig.
"Ano kumusta? May masakit ba? Wag ka munang kumilos " sabi ng babaeng---
Cinry....
"K-kamahalan" bulaslas ko ng makita ko siya sa harap ko kumunot ang kanyang nuo sa sinabi ko.
"Kamahalan buhay ka"wika ko at umupo
"Te-teka lang"
"Kamahalan" sabi ko at umalis sa aking higaan saka nag bigay galang. Lumuhod ako sa kanyang harap
"Ikinagagalak kong makita ka muli, isang himala na ikaw ay nabuhay muli" wika ko
"Te-teka miss tumayo ka"
"Dok ito siya--" napa tingin ako sa mga kakapasok lamang at nakita si Widow kasama ang ilang mga lalaki
"Buhay ka" sabi ko kay Widow at tumayo
Lumapit siya kay Cinry at hinawakan ito sa braso saka bahagya silang lumayo sa akin
"Buhay kayo, isang himala na buhay kayong dalawa" sabi ko
"Miss ano bang sinasabi mo?"tanong ni Widow
"Miss? Hindi miss ang aking ngalan Widow, ako ito si Red " sabi ko at tumingin kay Cinry na gulat na gulat parin
"Cinry ako ito si tita Red"sabi ko
"Doc tingin ko hindi pa ayus ang babaeng yan"sabi ni Widow
Lumapit naman sakin ang dalawa niyang kasama kanina at hinawakan ako sa magkabilang kamay ko
"Anong gagawin niyo? Mga hangal wag niyo kong hawakan kung ayaw niyong masunog!"sigaw ko pero hindi sila nakinig sakin
Ipinikit ko ang aking mga mata at nag concentrate saka pinalabas ang aking kapangyarihan ngunit....walang nangyayare? Anong nangyayare?!! Bakit wala ang aking kapangyarihan?!
"Bitiwan niyo ko! Cinry,Widow pigilan niyo ang mga hangal na ito!"utos ko sa dalawa pero naka titig lang sila sa akin na para bang hindi makapaniwala
"Anong ginawa niyo sakin?! Bakit wala ang aking kapangyarihan? Bitiwan niyo ko!" Sigaw ko at nag pupumiglas sa kanila ngunit ayaw nila akong bitawan
Nakita ko ang isang nilalang na may hawak na isang bagay na may patusok sa dulo nito
"A-ano yan?!"
Hindi niya ako sinagot at lumapit sakin saka ito itinusok ngunit hindi sila nag tagumpay
"Anong nangyayare? "Tanong ni Cinry
"Masyadong makapal ang balat nya"sabi ng lalaking nasa harap ko at tinignan ako
"Bitiwan nyo ko!"pumiglas ko at saka sinipa ang isa sa mga naka hawak sakin saka sinuntok ang isa. Agad akong pumunta sa malaking bintana at nakita kong napaka taas ng palapag kung nasan ako
"Miss please bumalik ka rito!" Dinig kong wika ni Widow
"Miss" tawag ni Cinrt tinignan ko lang sila saka umiling
"Ikinagagalak kong makita kayong dalawang buhay" sabi ko at nag bigay pugay saka tumalon sa bintana
Keisha POV
Nanlaki ang mga mata ko ng makita naming tumalon ang babaeng red lady mula sa bintana
Napa hiyaw ako sa ginawa ng babae dahil nasa 10th floor kami, at alam kong hindi siya makakaligtas sa ginawa niya.Agad na napatakbo si Yuta papunta doon sa bintana para tignan ang babae, nanatili akong naka tayo dito sa loob at nanginginig ang aking mga paa sa nakita ko kinakabahan din ako sa nakita ko. Agad na nag patawag ng security ang doktor at maging ang kasama niyang mga nurse ay naka tulala kasama ko dito.
"Wala siya" rinig kong sabi ni Yuta kaya nabalik ako sa reyalidad at tumakbo palapit sa kanya. Dahan dahan akong sumilip sa many bintana at halos mapa mura ako ng wala akong nakitang bakas o katawan ng babaeng naka pula
"Nasan siya" bulong ko
Nakita kong may lumabas na guard at tinignan ang buong baba.
"Nasan siya Yuta sino siya?" Naguguluhang tanong ko
Hindi ako sinagot ni Yuta dahil pati siya ay naguguluhan sa nangyare
Isang babae na nabangga namin at dinala sa hospital saka Tinawag akong kamahalan at tinawag na Widow si Yuta at ang injection, hindi tumalab sa kanya at ang pag talon niya sa bintana mula dito sa ika 10 palapag..... Isang maligno ata ang nakasama namin ng ilang oras
"Keisha we need to go baka magkagulo pa tara" sabi ni Yuta at hinawakan ang kamay ko saka hinila palabas ng kwarto ng babaeng dinala namin dito.
Tulala, tahimik at wala akong masabi naka tingin lamang ako sa labas ng kotse ni Yuta habang si Yuta ay tahimik na nag mamaneho.
Hindi ako maka move on sa nangyare kanina. Isa pa yung babae... Isa siya sa mga napapanaginipan ko at ngayun ko lang naalala ang mukha nya. Pero imposible sino siya?
"Cinry ako to si tita Red "
Cinry? Tita Red?
"Ayus ka lang ba?" Napa tingin ako kay Yuta na nag mamaneho at deretsong naka tingin sa daanan
"Medyo, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyare kanina"sabi ko at huminga ng malalim
"Parehas lang tayo,hindi ko din alam kung anong nangyare kanina"sabi niya
"Paanong nawala yung babae? Nasa 10th floor tayo at siguradong mamamatay siya sa pag talong ginawa niya pero bakit wala?" Takang tanong ko
"Wag ka nalang mag isip ng kung ano ano iuuwi na kita at mag pahinga ka nalang" sabi niya kaya natahimik nalang ako at tumingin sa daanan
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper
![](https://img.wattpad.com/cover/115136386-288-k768.jpg)
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...