Living in the Past 24
Chapter 24: Princess Keisha
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POVAlam niyo yung feeling ng isang prinsesa?
Yung tipong,lahat ng damit ay gown, laging may korona sa ulo, mag papalit ka ng damit may aalalay sayo, maliligo ka may mag papaligo sayo, may mag aayus ng buhok mo, may mag aayus ng damit mo, may nag aayus ng mukha mo, may mag aayus ng sapatos mo at may pipili ng mas babagay na damit... Este Gown para sayo.Ganon ang nangyayare sakin ngayun. Akala ko sa mga movie lang mang yayare ang ganong eksena pero nag kamali ako dahil ngayun mismo, nangyayare na sa buhay ko.
Inaayusan nila ako para sa party daw mamaya, nandito ako ngayun sa kwarto ko... Este ni Cinry at imagine, dalawang pang mayaman na bahay ang laki ng kwarto ni Cinry. As in! Ang ganda ng set up dito! Color pink na wall, sky blue na mga bintana, green na floor at madami pang iba, alam niyo yung pinaka mayamang tao? Yung gamit nila sa loob ng bahay? Parang dito mismo sa kwarto ni Cinry makikita ko lahat! May chandelier sa taas grabe tas may tatlong room na kung saan sa isang room puno ng sapatos, sa isang room puno ng mga gown at damit at sa isang room puno ng salamin. Grabe hindi ko aakalaing ganito pala ang buhay ni Cinry.
"Mahal na prinsesa paki taas po ng kamay niyo." Napa tingin ako sa mag salita at agad tinaas ang kamay ko.
"Ilang taon na po kayo nag sisilbi dito?" Tanong ko.
"Mahigit isang libong taon na po kamahalan." Sagot niya dahilan para mapalunok ako.
Isang libong taon?!
"A-ah mag kano naman po ang sweldo niyo?" Tanong ko.
"Sweldo?" Tanong nito dahilan para mapakunot ang nuo ko.
"Ughm... Sweldo yung binibigay na pera kapalit ng paninilbihan niyo." Sabi ko.
"Ahhh yun po ba? Isang daang ginto ang ibinibigay samin kada isang lingo." Sagot nito dahilan para mahulog ang dalawang kamay ko. Agad ko naman na itong itinaas at napa ngiti ng pilit
Isang daang ginto sa loob ng isang linggo? Tapos isang libong taon na siya naninilbihan dito? Whow, siguro kung sa mundo namin yan walang mahirap na tao. Biruin mo isang daang ginto milyon milyon na yun!
"Tapos na po kamahalan." Sabi nito dahilan para mapatingin ako sa salamin.
"Whow" bigkas ko at umikot habang naka tingin sa repleksyon sa salamin. Grabe, hindi ako makapaniwala na mukha na akong prinsesa ngayun.
"May ipag uutos pa po ba kayo kamahalan?" Tanong nito kaya napa tingin ako sa kanya.
"Wala po, pero may tanong po ako." Sabi ko.
"Ano po iyon?"
"Sino po mas maganda? Ako o si Cinry?" Tanong ko. Kumunot naman ang nuo niya kaya napa iling ako.
"Joke lang po haha sige labas na po kayo, salamat po." Sabi ko. Nag bigay galang pa ito kasama ang mga kasama niya saka lumabas.
Sinundan ko sila ng tingin bago muling binalik sa salamin ang paningin ko.
"Grabe, iba talaga pag mga royal blood." Sabi ko at ngumiti.
"Tama ba na dumito muna kami ni Yuta?" Tanong ko sa sarili ko. "And speaking of Yuta, nasan na kaya yung mukong na yun?" Tanong ko at nag lakad papunta sa pinto. Sumilip muna ako kung may tao sa paligid pero wala kaya naman lumabas ako ng silid at nag lakad.
Habang nag lalakad ako kay pinag mamasdan ko ang buong paligid na madadaanan ko. Kamangha mangha kasing tignan ang loob ng palasyo, napa tingin ako sa isang pasilgo ng palasyo at sa di malaman na kadahilanan ay nag tungo ako don.
Sa gitna non ay may isang malaking litrato.
Ang buong pamilya ni Moon.
Nasa magkabilang dulo si Moon at Thunder habang ang anak naman nila na si Yuan at si Cinry ay nasa gitna at masayang masaya.Napa tingin ako sa larawan ni Cinry, grabe kamukha ko talaga siya. Kumpara kasi sa pictures ni Cinry sa kanyan kwarto eh dito mismo sa larawan na ito masasabi kong kamukha ko si Cinry.
Sa gilid ng malaking litrato makikita ang isang mas malaking painting.
Painting ba yan o litrato na din?
Kasi naman kuhang kuha niya mismo at parang isang litrato na talaga siya.
Ang gulo ba?
Basta painting na parang litrato.
Painting yun ni Cinry kasama si Yuta i mean yung Widow na kamukha ni Yuta. Gaya ng malaking statwa sa labas ay may spada ding naka saksak sa katawan nila Cinry at Widow."Grabe, bakit ba naisipan ni Widow na patayin si Cinry? Ganon na ba talaga kasama yung sumpa?" Tanong ko sa sarili ko.
"Oo ganon kasama ang sumpa." Nanlaki ang mga mata ko ng may sumagot. Napa tingin ako sa likod ko at nakita ko si Six na walang emosyon sa mukha at malamig ang awra.
"Ughm..."
"Pinapatay ni Cinry lahat ng mga nilalang na makikita niya." Malamig na sabi ni Six kaya napa lunok ako.
Ewan ko kung saan ako matatakot, kung sa sinabi ba mi Six o sa paraan ng pagkakasabi nya. Daig niya pa kasi ang patay sa sobrang lamig.
"Ganon ba? Pero sabi sakin ni Red may sumapi daw kay Cinry." Sabi ko.
"Si Luna, yung nanay ni Widow." Sabi nya at humarap sa painting.
"Kung nandito ka lang siguro non sigurado akong matatakot ka sa ginawa ni Cinry sa buong winsoul, hindi lang pala sa winsoul kundi sa buong panig ng mundo namin." Sabi niya.
"Bakit, ano bang ginawa niya maliban sa pumatay?" Tanong ko.
"Kinain nya ang kaluluwa ng mga nilalang na makikita niya." Sagot niya dahilan para matigilan ako.
Pwede palang makain yung kaluluwa? Try ko nga kainin yung kaluluwa ni Yuta hakhak.
"At isa na don ang kaluluwa ng kuya ko, si Ten." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin. Yung sobrang lamig na tingin. Pero mababakas sa kanyang mata ang lungkot at hinanakit.
"At hanggang ngayun hindi ko parin matanggap ang pag kawala ng kuya ko." Malamig niyang sabi.
"Six... Naiintindihan kita." Sabi ko dahilan para matigilan siya.
"Naiintindihan kita dahil alam ko kung gano kahirap mawalan ng minamahal sa buhay." Sabi ko at lumapit sa kanya saka pinunasan yung naka takas na luha. Napa tingin siya sa kamay ko kaya napa ngiti ako at dahang dahang inalis yung kamay ko.
"Kung kailangan mo ng mapag sasabihan, nandito lang ako." Sabi ko at ngumiti.
"Cinry.."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya saka hinagot ang likod niya
"Kaya pala napaka lamig mo at nakakatakot ang iyong awra dahil sa di ka parin nakaka move on, maitatago ng mukha mo ang sakit pero ang mga mata mo umiiyak na sa sobrang sakit." Sabi ko. Hindi siya nag salita at naramdaman kong niyakap niya din ako.
"Sinong nag sabi sayong pwede mong yakapin si Keisha?"
Nanlaki ang mga mata ko sa marinig kong boses. Hindi ako pwedeng mag kamali, si Yuta yun!
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...