Chapter 19

813 30 0
                                    

Living in the Past 19
Chapter 19: World of Power
Written by: RIP
~~~~~


Red POV

Dinala kami ng mga humuli samin sa kaharian nila Moon. Nag lalakad kami ngayun papasok sa palasyo upang litisin ng hari at inang reyna.

"Kamahalan" pag bibigay galang ng heneral na humuli samin. Hangal hindi ata nito alam na anak ko ang reyna. Sapakin ko to eh.

"Red, Cloud saan ba kayo nanggaling?" Nag aalalang tanong ni Moon at tumayo sa trono niya.

"Nahuli namin sila sa may lagusan papunta sa mundo ng mga mortal. May kasama silang dalawang tao" sumbong ng heneral.

"Ano? Nag dala kayo ng mga tao sa mundo natin?" Tanong ni Thunder at naka kunot ang nuo.

"Mag papaliwanag kami." Sabi ni Cloud at lumuhod.

"Tumayo ka jan" malamig kong uto kay Cloud pero parang wala itong narinig. Pinapainit ng lalaking ito ang dugo ko.

"Alam niyo bang kamatayan ang kaparusahan sa lumabag sa utos ng bagong hari?" Malungkot na tanong ni Moon kaya napa tingin ako kay Moon.

"Saglet lang mag papaliwanag nga kami diba?" Inis kong sabi at pinaliyab ang posas na naka kabit sa akin. Ng matunaw na ang posas ay agad kong sinapak yung heneral at hinila patayo si Cloud.

"Huminahon ka Red" sabi ni Cloud sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Simulan mo na mag paliwanag Cloud" seryoso kong sabi habang naka tingin kay Moon na naguguluhan.

"Red hindi nya alam--"

"IPAALAM MO!" sigaw ko para magulat ang lahat.

"Anong ipapaalam?" Tanong ni Yuan na kakarating lang kasama ang anak nila at si Kimberly

"Ina" tawag ni Kimberly sakin pero hindi ko ito pinansin.

"Patawarin niyo ko" sabi ni Cloud at tumango.

"Cloud ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Moon.

"Nag tungo ako sa mundo ng mga tao dahil may hinahanap ako" sabi ni Cloud.

"At ano namang hinahanap mo?" Tanong naman ni Thunder.

"Mahal na inang Reyna" sabi ni Cloud at tumingin kay Moon. "Naalala mo nong huli tayong nag usap?" Tanong ni Cloud. Kumunot ang nuo ng mag asawa sa narinig.

"Oo?" Sagot ni Moon.

"Ang sabi nyo, GUSTO NIYONG MAKITA SI CINRY BAGO MAHULI ANG LAHAT." Sabi ni Cloud. Napa tingin ako sa taas para pigilan ang luha ko.

Muli kong ibinaba ang tingin ko at napa tingin kay Moon na nag bago ang expression ng mukha.

"Ang sabi sa propesiya. Ipagpapatuloy ang pag mamahalan nila Cinry at Widow sa mundo kung saan ang mahika ay patay." Sabi ni Cloud at huminga ng malalim

"Pumunta ako sa mundo ng mga tao para hanapin si Cinry at Widow" sabi niya dahilan para magulat ang lahat.

"A-ano?"

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon