Chapter 37

863 33 6
                                    

Living in the Past 37
Chapter 37: Mirror
Written by: RIP
~~~~~   

Keisha POV

Nasa harap na kami ng palasyo ng winsoul, gabi na kami nakarating sa harap ng winsoul ng makita namin ang isang salamin sa tapat ng pinto ng Winsoul. Tumigil ang lahat at naka tingin sa salamin. Nag bubulungan ang lahat kung bakit may salamin sa tapat ng pinto ng Winsoul. Halos lahat ng kasama namin ay naka tingin sa salamin. Nilapitan ni Yuro yung salamin at hinawakan ng biglang lumabas ang emahe ni Moon na naka ngiti.

"Magandang gabi sa inyong lahat." Naka ngiting wika ni Moon.

"Napaka ganda ng asawa ko, ang dami niyang pakulo hayst mamaya yan sakin." Dinig kong sabi ni Thunder.

"Binabati ko kayo sa inyong matagumpay na misyon, nagawa nyo at nahanap ang aking pinapahanap." Naka ngiting sabi ni Moon.

"Ngayun, ilang hakbang nalang at malapit niyo ng makamit ang inyong papremyo, ngunit bago yun.... Inuutusan ko sila Red,Cloud, Ice,Dark,Yuro,Thunder,Levi Yuan,Cinry,Widow at Zeus na mag tungo sa kanilang mga silid at kunin ang isang papel na aking inilagay sa kanilang mga kama." Sabi ni Moon at ngumiti. Agad na nawala ang imahe ni Moon kaya naman agad kaming nag tungo sa mga silid namin at kinuha ang papel na binanggit ni Moon sa salamin. Matapos non ay muli kaming nag balik sa tapat ng salamin na nasa gilid na ng pintuan ng Winsoul. Ng makabalik kaming lahat ay muling inilabas ng salamin ang imahe ni Moon.

"Ngayun....babasahin niyo lamang ang laman ng papel na iyan kapag nasa loob na kayo ng punong bulwagan." Sabi ni Moon at biglang tumulo ang luha niya dahilan para magtaka ang lahat.

"Ngunit bago kayo mag punta sa punong bulwagan... May nais muna akong sabihin sa inyo." Naka ngiti ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Pakinggan niyong maigi ang aking sasabihin." Tumigil si Moon at huminga ng malalim.

"Lubos akong nag papasalamat sa inyong lahat, sa mga tagasilbi na lagi kaming pinag sisilbihan, sa mga kawal at heneral na lagi kaming inilalayo sa kapahamakan at nag babantay sa amin, sa punong taga payo na lagi kaming pinapayuhan, sa mamamayan ng winsoul na laging sinusunod ang aming patakaran." Sabi ni Moon.

"Anong pakulo nanaman ba ito mahal?" Tanong ni Thunder na naguguluhan.

"Sa mga kaibigan ko na sila Red,Cloud,Levi,Dark,Ice,Zeus,at Yuro. Salamat sa inyo dahil mula sa lagi kayong nanjan sa tuwing kailangan ko. Nong oras na nawala ang ilang mahahalaga sa akin ay nanjan kayo. Nong oras na hinatulan ako ng kamatayan noon nanjan kayo at hindi ako iniwan. Kay Thunder na asawa ko, mahal ko at kayamanan ko. Salamat sayo mahal dahil nanjan ka lagi. Nanjan ka noong kailangan kita. Salamat dahil hanggang ngayun ay ako parin ang mahal at kinababaliwan mo. Mahal na mahal kita Thunder." Sabi ni Moon at sunod sunod na luha ang kumawala sa kanyang mga mata.

"Sa anak ko na si Yuan, anak...mahal na mahal kita mahal na mahal ko kayo ni Cinry at kahit nasan ako... Ipag mamalaki ko na kayo ay mga anak ko." Naka ngiti ngunit umiiyak na sabi ni Moon.

Naging emosyonal ang lahat sa sinabi ni Moon.

"Buong mamamayan ng Winsoul,kayo ay naging parte ng buhay ko. Ang dami na nating napag daanan at ang dami na nating napag samahan. Mahal ko kayong lahat tandaan niyo." Sabi ni Moon at ngumiti.

"Ilang daang taon na din ang lumipas mga mahal kong mamamayan ng Winsoul, siguro naman nag tataka kayo kung bakit may salamin kayong nakita sa harap ng palasyo. Ang inyong Reyna kasi ay hindi niyo muna makaka usap." Sabi ni Moon dahilan para mabigla ang lahat.

"Mga mamamayan ng Winsoul, nag palaro ako ng isang laro sa inyo hindi ba? May hinanap kayo sa isang lugar ma itinuro ko sa ingo hindi ba? At inyo namang nahanap ang inyong mga pamilya. Mamamayan ng Winsoul gusto ko lang kayong pangaralan na ang pamilya ang isang kayamanan na kahit salapi, ginto o ano mang alahas ay hindi ito matutumbasan. Nais ko sana na araw araw ay mag mahalan tayong lahat." Sabi ni Moon at ngumiti.

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon