Living in the Past 4
Chapter 4: Myth Class
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POV"Dapat kasi di mo na pinatulan pa" wika ni Richa saakin
"Tsk nakaka inis lang kasi sya kung umasta siya akala mo kung sino wala naman akong ginagawa pero binuhusan niya pa ako ng juice nakaka gigil"irira kong wika at inilagay sa loob ng locker ko ang nabasang uniform ko
Buti nalang at may extra ako sa locker ko dahil kung wala nako uuwi ako sa bahay at papagalitan ako ni mommy
"Ganon lang talaga siya. Siya kasi yung--"
"Ano? Pinaka gwapo sa buong campus? Duh mas gwapo pa yung kasama niya"sabi ko at sinarado ang locker
"Wala akong sinasabing gwapo siya Keisha tsk siya lang kasi ang pinaka matalino na student sa buong campus bukod don gwapo siya,mayaman halos nasa kanya na ang lahat Keisha kaya tinitingala siya ng lahat ng nga nandito maliban nalang sayo"sabi niya at natawa
Napa irap ako sa hangin
"Hindi ko lubos akalain na ganito ang ugali ng mga nag aaral dito"wika ko at sumandal sa locker
"Whow nag salita ang pinatalsik sa dating school"sabi niya
Napa tingin ako sa kanya
"Tsk wag mo na nga ipaalala malay ko bang mangyayare yun"wika ko at napa buntong hininga
"Tara na baka mahuli pa tayo sa next class natin"wika nya kaya nag lakad na kami papunta sa Myth Class
Pag dating namin ni Richa sa classroom namin wala pa ang professor namin kaya naka hinga kami ng malalim
"Okay Class get ready may quiz tayo after our discussion " bungad ng teacher namin na kakarating lang
Umupo ako ng maayus at sinimulang mag focus
Sa lahat kasi ng subject na pinapa sukan ko Myth Class ang pinaka paborito ko
Ewan ko ba kung bakit simula pagkabata ko nahilig na ako sa power power na yanSa sobrang adik ko na nga bili na ako ng bili ng ilang fantasy books
"So class did you believe na may iba pang nilalang ang naninirahan dito sa earth maliban satin or in the other world?"tanong ng teacher namin
"Yes!"biglang sabat ko kaya nag tinginan ang lahat sa akin
"How did you say? "Tanong niya sakin
Tumayo ako saka sumagot
"Para sakin lang naman sir....kasi may nababasa ako sa mga fantasy book na sa ibang mundo merong mga nilalang na may kapangyarihan at may kakaibang kakayahan gaya ng Fire user,Ice Chamber at Cursed Child"wika ko
"Pfft so you trying to say na totoo sila?" Napa tingin ako sa pinto kung saan nang galing ang nag salita
Mula don nakita ko si Puta este Yuta na naka tayo don
Iba na din ang suot nyang damit at halatang nag hilamos siya
Wala na yung icing sa mukha nya eh ahahaha"Oo cuz hindi natin matutuklasan ang salitang Serena kung walang naka kita"wika ko
Natawa siya bahagya at dere deretsong pumasok papunta sa upuan niya na kamalas malasan ay katabi ko
Bastos! Di manlang siya nag SORRY I'M LATE kay sir!"Fantasy tsk did you know what is the meaning of that? It means kathangisip lang yan gawa gawa ng malikot na imahinasyon ng mga tao"sabi niya
Napa irap ako
"Talaga bang kinulang ka sa aruga? Alam ko ang definition ng Salitang FANTASY cuz i'm a fantasy lover--"
"Mr Yuta and Ms Keisha Stop take your sits"ma awtoridad na utos ng teacher namin kaya napa irap ako sa hangin at umupo
PASALAMAT SIYA NANJAN SI SIR! KUNG WALA BAKA NABATO KO NA ITONG UPUAN KO SA KANYA!
"So lets continue"wika ni Sir at binuksan ang projector
May ilang imahe ang lumabas don kumunot ang nuo ko ng makita ang isang imahe
Imahe ng babae
Maputi ito para siyang dyosa mapula ang labi at napaka ganda niya
Parang kilala ko ang babaeng ito pero sino siya? Pakiramdam ko nakita ko na siya pero saan? Baka nabasa ko sa isa sa mga libro? Hindi eh pakiramdam ko talaga nakita ko na siya pero kailan?
"she is Luna God of Love and Madness she control the love and madness all over the world she can do what she want"sabi ng teacher namin
"Luna is also known as a powerful God isa siya sa tatlong pinaka malalakas na bathala pero sa kabila non kilala din siya bilang isang Sakim maka sarili walang awa at masamang bathala"
"Sir may tanong ako "biglang wika ko kaya naagaw ko lahat ng atensyon
"Patay na po ba si Luna?"wika ko
Ewan ko kung pano ko nasabi yan
Bakit pakiramdam ko parang alam ko na ang eksenang ito? Bakit pakiramdam ko alam ko ang lahat tungkol sa kanya?Ngumiti si Sir at tumango
"Yes patay na si Luna actually pinatay siya ng dalawang bathala nakalimutan ko ang pangalan nila---"
"Toshida at Alab"muling wika ko
"Tama! Sila nga how did you know?"tanong ni Sir sakin kaya parang natauhan ako
Oo nga pano ko nalaman yun?
"Na-nabasa ko lang po sa isang libro"palusot ko
"Nice"wika ni Sir at naiba ang larawan
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nasa larawan
"At siya naman si Moon Steler"
Napa titig ako sa larawan
Siya....siya yung lagi kong napapa naginipan na babae
Siya yung babae sa panaginip ko"May nakikita ba kayong pagkaka pareho ni Moon kay Keisha?" Nanlaki ang mga mata ko sa inasta ni Yuta kaya napa tingin ako kay Yuta
"Anong ako?"tanong ko
Nag bulungan ang mga kaklase ko kaya medyo nahiya ako tinitigan naman ako ni Sir at sinuri ako
"Parang may pagkaka hawig siya kay Moon"
0___0~~~
Tweet me @redious_in
IG: rediousinpaper
Facebook: Nam Hyun KiRicha Villas
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...