Living in the Past 27
Chapter 27: Dance
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POV
"Hi anak!" Masiglang bati ni Thunder ng lumapit ito sa mesa namin ni Moon.
"Hi din po." Sabi ko at ngumiti.
"Pahiram muna ng iyong ina ha." Sabi nito at tumingin kay Moon.
"Ano nanaman ang gagawin mo?" Natatawang tanong ni Moon.
"Mahal, sasayaw tayo sa gitna. Kaya kung pwede? Maari ko bang maisayaw ang nag iisang buwan na nag patibok sa puso ko? At gumising sa natutulog kung alaga?" Pilyong sabi ni Thunder kaya natawa ako. Namula naman si Moon at nahihiyang tumingin sakin.
"Pag pasensyahan mo nalang ang iyong ama anak, ganyan talaga sya." Sabi ni Moon at tumingin kay Thunder.
"Thunder ano ka ba? Nandito sa tabi natin ang bunso natin." Sabi ni Moon. Nag pout naman si Thunder at napaka cute niya.
"Bakit? Porket nanjan lang si Cinry sa iyong tabi di mo na ako isasayaw? Ang puso ko, nahahati sa dalawa at--"
"Oo na oo na ito na, masyado ka mg madrama." Sabi ni Moon at tumayo saka tumingin sakin.
"Isasayaw ko muna itong isip bata mong ama anak ha." Paalam ni Moon sakin.tumango ako at ngumiti.
Pinanuod ko silang sumayaw sa gitna at talaga namang mababakas sa kanilang mga mata at kilos ang pag mamahalan, ang ganda nilang pag masdan. Para silang mga dalaga at binata. Hindi manlang kumukulobot ang kanilang mga balat.
"Pwede ko bang..." Napa tingin ako sa dalawang sabay na nag salita. Nasa gilid ko si Yuta samantalang nasa harap ko naman si Six. Nagkatinginan ang dalawa at biglang sumama ang tingin sa isa't isa.
"Ako ang nauna." Sabay na sabi ng dalawa.
"Ano bang sabi ko sayo." Maangas na sabi ni Yuta kay Six. Sabay na tumayo ng deretso ang dalawa at nag sukatan ng tingin.
"Ano nga bang sinabi mo?" Maangas na tanong ni Six.
Go six! Sige patayin mo siya! Bugbogin mo siya! I love you! Sayo lang kakalampag!!!
"Hindi ba't sinabi kong layuan mo si Keisha?" Iritang sabi ni Yuta.
"At sa tingin mo naman gagawin ko yun?" Tanong ni Six at ngumisi.
"Talaga bang hinahamon mo ko?" Iritang tanong ni Yuta
"Mukha bang hinahamon kita?" Tanong ni Six.
"Sumusobra ka na" inis na sabi ni Yuta at tinulak si Six pero parang walang nangyare dahil nakatayo parin ito at naka ngisi sa harap ni Yuta.
Napa tayo naman ako at pumagitna sa kanila
"Teka ano bang pinag aawayan niyo?" Tanong ko.
"Ikaw!" Sabay na sagot ng dalawa kaya nagulat ko.
"Bat ako pinag aawayan niyo?" Tanong ko.
"Kasi gusto ka naming isayaw!" Sabay na sagot ng dalawa
"bat kayo sumisigaw? Eh kung kayong dalawa kaya sumayaw? Isayaw niyo ang isa't isa mga immature na to nasisir beauty ko sa inyo." Inis na sabi ko at tinalikuran sila saka lumakad sa harap.
"T-teka saan ka pupunta?" Tanong nila sakin.
"Sasayaw" sagot ko at inirapan ang dalawa. Saktong tumigil ang tugtugin at napalitan ito ng isang romantikong tugtogin. Nakita kong nag lalakad na si Moon palapit sakin kaya agad ko siyang sinalubong ng may ngiti sa labi.
"Oh Cinry anak, sasayaw ka ba?" Tanong niya.
"Opo. Pwede po ba?" Tanong ko.
"Oo naman." Naka ngiting sabi niya.
"Pwede ko po ba kayong isayaw?" Tanong ko.
Halatang nagulat si Moon kaya ngumiti ako at hinawakan ang dalawang kamay ni Moon saka sumabay sa beat ng musika.
"Anong naisipan mo at naisayaw mo ako?" Tanong niya sakin. Ngumiti lang ako.
Pati nga ako di ko din alam kung ano bang pumasok sa isip ko at naisayaw ko siya.
"Na miss po kasi kita Ina.." Nanlaki ang mga mata ko sa agad na lumabas na mga salita sa aking labi. Teka di ko yun sinabi ah.
Nakita kong naging emosyonal si Moon at agad akong niyakap.
Natigilan naman ako at sa hindi ko alam na kadahilanan bigla nalamang ako naging emosyonal. Ano bang nangyayare sakin?
"Na miss din kita anak." Malungkot ang boses ni Moon kaya naman para akong sinasaktan sa kanyang sinabi.
"Wag ka ng aalis anak, dito ka nalang sa tabi ko lagi." Sabi niya kaya bigla akong natigilan.
"Wag mo na akong iwan anak.... Kahit sa huling sandali lang." Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi.
"Hinding hindi po ako aalis..... Ina." Sabi ko at napaluha.
Kumalas siya sa pagkakayakap saka ako hinarap, nanlaki ang mga mata ko ng makitang may dugo ang kanyang ilong.
"Ina... May dugo ka sa ilong..." Sabi ko at dali daling pinunasan iyon gamit ang aking kamay. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay kong may dugo.
"Kailangan ko ng mag pahinga anak." Sabi niya at akmang mag lalakad ng alalayan ko siya kaya napa tingin siya sakin.
"Sasamahan ko na po kayo sa inyong silid." Sabi ko umiling lang siya at ngumiti ng peke.
"Kaya kong pumunta don, mag saya ka nalang muna dito. Okay lang ako." Sabi niya at lumapit sakin saka hinalikan ang aking nuo.
"Wag mong ipapaalam sa iba na dumugo ang aking ilong maliwanag ba? Dala lang ito sa pag babago ng klima sa ating mundo." Sabi niya at ngumiti saka nag patuloy sa pag lalakad. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Alam niya, alam niyang may sakit siya ngunit hindi niya ipinapaalam sa iba.
~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper.
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...