Living in the Past 23
Chapter 23: Meet them.
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POVNag lalakad kaming tatlo nila Yuta at Red papunta sa palasyo kung saan kami umalis kanina ni Yuta. Ipapakilala daw kami ni Red sa lahat ng mga nilalang na may ugnayan kay Moon.
Pumasok kami sa loob ng isang silid kung saan lahat ata ng mga kakilala ni Moon ay nandito. Pero nasan si Moon?
"Ang prinsesa."
"Bumalik siya."
"MAG BIGAY PUGAY SA MAHAL NA PRINSESA!"
Nanlaki ang mga mata ko ng sabay sabay silang lumuhod. Agad din akong lumuhod at ginaya ang ginawa nila.
"Pag bibigay galang sa pag babalik ng prinsesa!" Sabay sabay na sabi mg lahat.
"Pag bibigay galang sa pag babalik ng prinsesa!" Sabi ko. Sabay sabay na napatingin sakin ang lahat.
"Keisha. Tumayo ka." Utos ni Red kaya tumayo ako. Nanatiling nakaluhod ang lahat.
"Ughmm... Bakit sila naka luhod?" Tanong ko kay Red.
"Nag bibigay galang silang lahat sayo. Sabihin mong tumayo na sila." Bulong niya.
"Tumayo daw kayo. I mean tumayo na kayo." Sabi ko. Sabay sabay silang lahat tumayo at tumingin sakin.
"Prinsesa Cinry, sila ang mga kawal dito sa kaharian ng Winsoul." Pakilala ni Red sa mga kaharap ko. Ngumiti ako at kumaway.
"Hi!" Bati ko naguguluhan man sila ay kumaway din sila saka nag sabi ng Hi.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Yuta kay Red.
"Ipapakilala ko kayo sa lahat ng mga kakilala namin. Uumpisahan natin sa mga kawal." Sagot ni Red at tumalikod. Nag lakad ito palabas ng silid kaya naman sumunod kami ni Yuta.
Ilang lakad at liko pa ang aming ginawa ay naka punta kami sa isang napaka gandang silid.
"Ito ang punong gawaran." Sabi ni Red. Nakita kong nag sipasukan ang mga kakilala nila. At maging si Moon ay naririto na kasama yung asawa niya. Pati yung lalaking may korona at yung iba. Halata sa kanila ang pagka mangha ng makita nila kami ni Yuta.
"Keisha.... Siya si Cloud" pakilala ni Red sa isang lalaki na malapit samin. "Ang asawa ko." Dagdag niya ngumiti ito kaya ngumiti ako pero pilit lang.
"Ito si Dark at ang katabi niya ay si Ice" turo ni Red sa isang lalaki at ang katabi nitong babae na kulay puti lahat mula buhok hanggang sa talampakan.
"Siya naman si Yuro at ang katabi niya ay Levi. Asawa nya" pakilala ni Red sa isang lalaki na kanina pa kinukulit si Dark at ang katabi nitong babae na puro itim lahat mula ulo hanggang paa.
"Siya naman si Zeus at ang katabi niya ay si Jinx" pakilala ni Red don sa isang lalaki na puro puti at katabi ang isang babae na blue straight hair at may pulang mata. Kumaway yung Jinx sakin kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...