Chapter 39

875 30 3
                                    

Living in the past 39
Chapter 39: Letter for Red
Written by RIP
~~~~


Red POV

Nangyare na ang kinakatakutan namin ni Cloud.... Nangyare na ang pagka wala ni Moon.
Wala kaming ka ide-idea na magaganap ito, ang alam ni Cloud ay tatagal pa si Moon, siguro ay kinontrol ni Moon ang kapangyarihan ni Cloud para hindi makita ni Cloud ang magaganap sa hinaharap.

Napa tingin ako sa larawan namin ni Moon na magkayakap habang naka tingin sa isa't isa. Agad na nag landas ang aking luha ng maisip na wala na siya.

"Apoy ko." Napa tingin ako sa tumawag sakin.

"Puntahan na natin ang amang hari, baka kung ano ng gawin non sa sarili niya." Sabi ni Cloud at tinignan ang tinitignan ko.

"Ang saya pa namin jan." Wika ko at agad nanamanh naiyak.

"Wala pa siyang sakit niyan." Sabi niya.

"At buhay pa siya niyan." Dagdag ko dahilan para mapatingin sakin si Cloud.

"Magiging maayus din ang lahat." Sabi niya at niyakap ako. "Naalala mo ang sinabi ni Moon sa salamin?, wag na wag tayong iiyak." Sabi niya dahilan para mas lalo akong maiyak sa bisig niya.

"Hindi ko lubos maisip na mangyayare ito." Sabi ko.

"Lahat ng may buhay may katapusan at walang permanente sa mundo apoy ko." Sabi niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap at kinapa ang bulsa ko saka kinuha ang bagay na inilagay ko doon.

Ang papel na nakuha ko sa kwarto namin ni Cloud.

"Sulat ni Moon para sayo." Sabi ni Cloud.

"Nabasa mo na yung sayo?" Tanong ko.

"Oo" sagot niya saka tumingin sa papel.

"Basahin mo na." Sabi niya kaya naman binuklat ko ang papel at binasa ang nasa loob.

Dear Red,


Red, ang pinaka mataray, masungit at prankang nilalang na nakilala ko. Ang nag iisang nilalang tinarayan ako nong unang pag kikita namin.
Naalala ko non yung pinakilala ako sa inyo ni Admiral. Nilait mo pa ako non dahil iisa lang ang kakayahan ko. Sinabi mo pa na KAHIT KAILAN AY HINDI TAYO MAG KAKASUNDO KAYA WAG AKONG UMASANG MAG KAKASUNDO TAYO.
Pero nong oras na inapi ako don sa room natin, yung lahat ng kaklase natin ay pinag babato ako ng papel. Pinag tanggol mo ko at tinakot sila na dapat ikaw lang ang mang aapi sakin.
Naalala mo pa ba na mga ilang beses mong sinabi sakin na WAG KANG UMASANG MAG KAKASUNDO TAYONG DALAWA. Pero tignan mo ngayun. Ikaw ang pinaka close at pinaka kasundo ko sa lahat.
Naalala mo si Fly? Nong oras na akala ko nag bago na siya. Maka ilang ulit mo siyang inapi hanggang sa lumabas ang tunay niyang kulay.
Yung na comma ako, sabi nila Cloud sakin na... Ikaw daw ang nag bantay at nag alaga sakin nong mga panahon na iyon.
Tanda mo pa ba yung araw na sinabi ni Thunder na ikaw ang nais niyang pakasalan? Grabe nasaktan kami non ni Cloud, double kill agad yun.
Eh yung araw na hinatulan ako ng kamatayan sa salang pag nanakaw daw pero si Viper ang gumawa? Naalala ko na ikaw ang nangunguna sa pag tatanggol sakin non.
Red, naalala mo yung sinabi mo sakin noon? WAG NA WAG KANG IIYAK SA MGA BAGAY NA DI NAMAN DAPAT INIIYAKAN.
Red gawin mo yun, wag kang iiyak dahil hindi ako bagay na di naman dapat iyakan. Isipin mo nalang nakulong ako don sa library.
Alam kong, alam niyo ni Cloud ang lihim ko na may sakit ako pero pinili niyo na itago at ilihim din sa lahat ang katotohanan, salamat para doon, maaasahan kayong dalawa.
Alam ko ding... Nag punta kayo sa mundo ng mga tao para hanapin si Cinry at ibalik dito para maging masaya ako.
Salamat para don. Salamat dahil mula noon hanggang ngayun ay maaasahan parin kayo.
Ikaw ang tunay kong kaibigan Red, kayo na kasama ko mula noon hanggang ngayun.
Ang nag iisang balae ko na siga pero loko loko din.
Ngumiti ka na Red, ang isang gaya mong mataray at matigas ang puso na si Cloud lang ang nakapag palambot ay di bagay na umiiyak.
Red.... Ibalik mo na sila,
Ibalik mo na sila Keisha at Yuta sa mundo nila.
Nagawa na nila ang misyon nila. Nagawa na nila akong pasiyahin kahit sa huling mga araw ng buhay ko.
Alam ko, alam ko ang lagat Red. Alam ko na hindi talaga si Keisha ang anak ko. Hindi siya si Cinry, kamukha lang siya ni Cinry pero hindi siya si Cinry. Dahil si Cinry na anak ko ay makakasama ko na.
Red, ibalik mo na sila sa mundo nila. Pero bago mo sila ibalik don alisin mo muna ang ala-ala nila. Burahin mo lahat ng ala-ala nila na tayong mga di pangkaraniwang na nilalang ay totoo.
Gawin mong panaginip ang ala-ala nila.
Ibalik mo na sila. Yun ang huling hiling ko kaibigan
Salamat. Hanggang sa muli, apoy ng buhay namin.

Moon.

Halos mawalan ako ng hininga sa mga nabasa ko.

Grabeng sakit ang naidulot sakin ng pagka wala ni Moon.
Alam kong hindi lang sakin kundi sa lahat ng naririto.

"Nais ni Moon na ibalik na natin sila Keisha at Yuta sa mundo ng mga tao." Sabi ni Cloud kaya napa tingin ako sa kanya.

"Nais niya na burahin natin ang mga ala-ala nila na tayong di normal na tayo ay totoo." Dagdag niya.

"Hanapin na natin sila at gawin ang huling utos ng kaibigan natin." Sabi niya at nag umpisang nag lakad.

Nag lakad kami para hanapin sila Yuta at Keisha pero napa daan muna kami sa punong bulwagan kung saan nandoon parin ang katawan ni Moon.

Nakarinig kami ng pagka basag ng salamin kaya naman agad kaming tumakbo ni Cloud sa loob ng punong bulwagan at nakita si Thunder na may hawak ng isang pirasong basag na salamin at akmang isasak sa sarili niya ng gamitin ko ang kapangyarihan ko para paapoyin ang hawak niya.

"Kunin mo siya." Sabi ko ng mawalan ng malay si Thunder. Agad na inalalayan ni Cloud si Thunder na walang malay saka dinala sa kwarto nito.
Napa tingin ako sa katawan ni Moon na walang buhay. Muling nanalaytay ang lungkot ko.

"Moon, pinaparusahan mo kami. Ang sakit ng ginawa mo." Umiiyak kong sabi habang naka tingin kay Moon na walang buhay.

"Nais mong.... Ibalik namin sila Keisha at Yuta sa mundo nila. Sige, susundin namin kamahalan. Susundin namin ngunit bumalik ka muna. Bumalik ka muna samin Moon." Sabi ko at napa tungo.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon