Chapter 14

868 28 2
                                    

Living in the Past 14
Chapter 14: Cloud
Written by: RIP
~~~~~

Red POV


"Ikinagagalak kong makita kayong dalawang buhay" sabi ko at nag bigay pugay saka tumalon sa bintana

Pumikit ako ng maramdaman ko ang mabilis na pag bagsak ko pababa ng gusali. Ilang minuto pa ay may malambot na bagay akong naramdaman sa aking paa at may kung anong bagay ang humawak sa aking pisngi

"Apoy ko " dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat sa nakita

"Ulap ko "bulong kong wika saka siya niyakap

"Anong ginagawa mo dito?" Bakas sa boses niya ang pag aalala nanatili akong naka yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata

"Apoy ko sumagot ka anong ginagawa mo dito sa mundo ng mga tao?"tanong niyang muli

"Hinahanap kita sa mundo natin ngunit di kita makita kaya nag pasya ako na mag punta dito at baka sakaling nandito ka at tama ako nandito ka nga"sagot ko

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim saka kumalas sa yakap
Doon ko lang napag tanto na naka sakay kami sa ulap

"Paanong--"

"Saka na natin pag usapan yan ang unahin natin ay maka iwas sa paningin ng mga tao"sabi niya saka mas lalong pinataas ang ulap sa langit at pinalipad ito

"Anong ginagawa mo dito ulap ko?"tanong ko

"Mahabang kwento apoy ko ngunit gagawin kong maiksi para sayo"sabi niya at hinaplos ang aking pisngi

"Paano mo nalaman na narito ako?"tanong ko

"Ikaw ang asawa ko apoy ko nangako ako sa langit at sa apoy na proprotektahan kita alagad ko ang mga ulap at bantay bantay ka nila lagi maging si Kimberly  kaya alam ko kung nasa panganib ka o kung nasan ka"sagot niya

"Ang kapangyarihan ko" wika ko at humingang malalim

"Walang malapit na apoy sayo kaya di gumagana ang kapangyarihan mo"sabi niya kaya naguluhan ako

"Ano?"

"Gagana lang ang kapangyarihan mo kung kinakailangan at kung malapit sayo ang elementong hawak mo. Ang elementong hawak mo ay apoy. Gagana lang ang kapangyarihan mo kapag malapit ka sa apoy"sabi niya

"Pero ikaw? Yung kapangyarihan mo"

"May ulap sa mundo nila apoy ko halos di mawawala ang ulap dito at yun ang malaking pag papasalamat ko dahil kung walang ulap sa mundong ito baka ngayun ay nasa mundo ka na ng mga kaluluwa"natatawa niyang wika

"Pero anong ginagawa mo dito?"tanong ko

Naramdaman ko ang pag tigil ng ulap at pag dahan dahan nitong pag lapag sa baba ng maka lapag ito sa baba ay may kung anong bagay akong nakita

"Welcome sa munting bahay ko dito sa mundo ng mga tao"sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka inalalayan akong maka baba sa ulap

"Ano to?"takang tanong ko habang naka tingin ako sa harap ko isa itong gusali ngunit hindi kalakihan

"Yan ang tahanan ng mga tao"sabi niya at hinila ako papasok sa loob nito

Mas lalo akong namangha dahil sa mga bagay na nakikita ko

"Gaya ng sa mundo natin meron din silang mga gamit na nasa mundo natin ngunit wala tayo ng isang gamit na meron sila"sabi niya kaya tumingin ako sa kanya

"Huh?"

"Cellphone"sabi niya at inilabas ang isang katamtamang haba na hugis rectangle at may button sa gitna meron itong dalawang bilog na sa taas nito at sa likod nito ay may malaking button

"Ano yan?"tanong ko

"Cellphone, madami sila nito meron din silang iba't ibang bersyon nito simula sa cellphone Tablet i Pod at laptop saka computer"sabi niya

"Anong lenguwahe yan?"tanong ko

Natawa naman siya

"Masasanay ka rin"sabi niya saka tinignab ang kabuuhan ko

"Sa ngayun ay mag palit ka muna ng damit kakailanganin mo yun upang maging normal na tao ka"sabi niya

"Ako ba'y pinag loloko mo? Isa akong dragon--"

"Pero walang ganon sa mundong ito. Isang ordinaryo at simpleng pamumuhay lang ang meron sila kaya mag palit ka na ng damit sa itaas Apoy ko"sabi niya

"Wag mo kong utusan Cloud may kasalanan ka pa sakin abnormal"sabi ko at inirapan siya

"At ayan na ang tunay na Red"natatawa niyang wika kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Joke lang"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko lalako"mataray kong sabi

"Mag palit ka na muna ng damit at mag hahanda ako ng pagkain saka natin pag usapan yan habang kumakain tayo"naka ngiti nyang sabi at mabilis na hinalikan ang labi ko saka nag tungo sa isang parte nitong gusaling ito

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon