Chapter 16

841 28 0
                                    

Living in the Past 16
Chapter 16: Mission
Written by: RIP
~~~~~

Red POV

Halos manglumo ako at mawalan ng lakas sa mga narinig ko mula kay Cloud.

"Ilang buwan nalang Red at mawawala na siya"

Halos maiyak ako sa katagang sinabi ni Cloud.

"H-hindi pa naman.... Sigurado yan....h-hindi ba?.... W-walang pinapakitang senyales si Moon kung...kung may sakit siya o wala..." Sabi ko

"Walang sintomas ang sakit ni Moon Red, yung sakit niya. Sobrang tagal na non. Mga isang taon ang lumipas bago mamatay si Cinry ay may sakit na si Moon" sabi niya kaya mas lalo akong nanghina

"A-alam ba niya na may sakit siya?"tanong ko

"Matagal na."

Napa tingin ako sa kawalan at inisip mabuti ang sinabi ni Cloud sakin.
Ako ang matalik na kaibigan pero bakit hindi ko napansin na may sakit siya? Eh di sana naasikaso at pinapagaling ko siya.

"Red"tawag sakin ni Cloud at hinawakan ang kamay ko. Agad rumagasa ang luhang pinipigilan ko kanina pa ng maramdaman ko ang kamay ni Cloud na naka hawak sa kamay ko.

"Matutulungan mo ba akong papuntahin si Keisha sa mundo natin?"tanong nya

Tinitigan ko siya saka tumango.

"Para kay Moon, gagawin ko ang lahat"sabi ko at niyakap siya.

Hindi ko lubos maisip na ang reynang kaibigan ko, ang Moon na tinataray tarayan ko noon ay may malubhang sakit na kahit sinong nilalang ay di magagamot ito.

Wala na ba akong kwentang kaibigan non? Dahil hindi ko nalaman agad na may sakit siya?

Keisha POV

"Keisha! Tara bilisan mo na jan! Aalis na yung bus! Maiiwan tayo sa lakad eh!" Rinig kong sigaw ni Richa sa labas ng kwarto ko

"Tapos na!" Sagot ko at agad na lumabas sa kwarto ko

Agad kaming lumabas at sumakay sa school bus namin ng maisara na namin ang buong bahay.

*SCHOOL*

"GOOOOOODDDDMORNINGGGGG CLASSSSS" masiglang bati ng AP teacher namin.

"Goooooddd morningggg mam!" Sabay sabay naming bati

"Okay! Mag siupo kayo at may ipapakilala ako" sabi niya saka lumabas sa room

Agad naman kaming umupo at hinintay ang Teacher namin

Maya maya pa ay pumasok na ang teacher namin kasama ang isang babaeng pula ang buhok?

"Ang cool ng buhok nya"

"Oo nga "

"Bagay sa kanya"

"Nag pakulay siya?"

"Baka natural duh"

"Okay class this is your new classmate, please introduce your self" sabi ng teacher namin sa babae

Ngumiti muna sakin yung babae kaya nabigla ako.

"Ningitian nya si Keisha?"

"Close sila?"

"Baka friend niya"

"Hi My Name is Red Chavez 999 years old" pakilala ng babae kaya natawa kami

"Ang galing niya mag patawa"

"Gusto ko na agad siya hahaha"

"999 years old daw hahahaha"

Seryosong tumitig si Red Chavez don sa mga tumatawa, kung hindi ako normal na tao baka isipin kong di siya nag bibiro hahahaha

"Okay class stop na Red don ka umupo sa tabi ni Keisha"sabi ni Mam tumitig si Red sakin saka ngumiti at lumapit sakin saka umupo sa tabi ko

"Hi" bati niya

"Hello?" Naiilang kong bati

"Nice to see you again ".

0__0

Again?

"Excuse me?"

"Dadaan ka?"tanong nya

"Haha hindi, sabi mo kasi NICE TO SEE YOU AGAIN may AGAIN sa dulo. Nag kita na ba tayo?"tanong ko

"Hmm siguro? Kanina nakita kita tumatakbo kaya Nice to see you Again ang nasabi ko"sabi niya at ngumiti kaya ngumiti din ako

May kamukha siya.... Di ko lang alam kung saan ko ba nakita yun basta may kamukha siya lalo na yung Red hair niya?

"Friends na tayo ah? You know ikaw ang unang ningitian ko kaya maswerte ka"sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya

Grabe ang hangin niya?

~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon