Living in the Past 34
Chapter 34: The game.
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POV"Ang lawak pala ng winsoul no?" Tanong ko kay Yuan na nasa tabi namin ni Yuta.
"Oo,sobrang lawak talaga nito, alam mo lil sis kapag naging reyna ka, panigurado ma hahagard ka." Sabi ni Yuan habang bitbit ang anak niyang si Astro.
Laging tahimik si Astro... Ni minsan di ko pa nakita na nag salita yan.
"Nag sasalita ba yan?" Biglang tanong ni Yuta dahilan para mapa tingin ako kay Yuan.
"Oo, sadyang tahimik lang si Astro at masyadong.... Malamig." Sabi ni Yuan at tumigil sa pag lalakad saka tinignan si Astro
"Astro anak, kausapin mo sila tita Cinry at tito Widow." Sabi ni Yuan sa anak niya. Tinignan lang kami ni Astro saka muling sumandal sa dibdib ng kanyang ama at nag salita.
"Hindi sila ang tita't tito ko." Malamig na sabi ni Astro dahilan para matigilan kami ni Yuta.
"Astro..."
"Patay na si Tita Cinry diba? Kasama niya si tito Widow... Bat ko kakausapin ang mga patay?" Tanong ni Astro dahilan para mapa lunok kami ni Yuta.
Grabe....ibang iba to'ng bata na ito.
"Anak, sila si Tita Cinry at tito Widow.... Bumalik sila dahil mahal nila tayo." Sabi ni Yuan sa anak niya. Tumingin si Astro sa mata ko dahilan para kabahan ako.
"Hindi siya si tita Cinry..... Tao siya." Sabi ni Astro.
"Astro--"
"Ughm... Yuan bayaan mo muna si Astro." Putol ko kay Yuan at tumingin kay Astro na poker face lang. Ngumiti ako pero bigla nya akong sinupladohan.
"Baka na gugutom na siya malayo pa ba?" Tanong ko kay Yuan at nag simula muli kaming mag lakad. Nandito kami ngayun sa bahagi ng winsoul na lampas tao ang laki ng mga damo.
"Malayo pa." Sabi ni Yuan at tumingin sa harap.
"Tatawid tayo sa lawa, papasok sa kweba at dadaanan ang bahay ng mangkukulam." Sabi niya kaya bigla akong kinabahan.
"Ano? Bahay ng mang kukulam?" Tanong ko saka napa tingin kay Yuta.
"Mababait naman sila. Isa pa kilala nila ako." Sabi ni Yuan at ngumiti. Nag simula muli kaming mag lakad.
"Nasan na sila Red at Thunder?" Tanong ni Yuta.
"Oo nga nawala sila?" Tanong ko.
"Sa ibang dereksyon sila nag lakad. May kanya kanyang technique para maka punta don." Sabi ni Yuan.
"Ganon ba? Bakit di natin sila sinundan?" Tanong ni Yuta.
"Mas gusto nila sa panganib kesa sa ligtas." Sagot niya dahilan para maguluhan ako.
"Huh?"
"Sabi ni Ina, kapag dumaan daw sa mahirap na daanan may makikitang isang mahalagang bagay." Sabi ni Yuan at tumingin sakin.
"Nasa bahagi tayo ng shortcut, walang panganib ngunit may pagsubok, kila Inang Red at Ama dadaanan nila ang pugad ng mga Mowholk." Sabi niya.
"Mowholk?"
"Mga rebelde sila, pumapatay sila at walang sinasanto." Sagot ni Yuan.
Napa tahimik ako at napa isip, uso din pala ang mga ganon dito sa mundo nila no? Akala ko kasi sa Earth lang may ganon.
Moon POV
Napa titig ako sa labas ng gate ng halos lahat sila ay mawala sa paningin ko. Napa buntong hininga ako at napa tingin sa buwan na karugtong ng buhay ko.
Lumiliit ito at masyado ng mahina ang liwanag.
Napa tingin ako sa kabuohan ng harap ng palasyo. Napa ngiti ako ng maalala ang ilang bagay ng simulan ko ang pag pasok sa palasyo na ito.
Ang unang pagkikita namin ni Thunder, ang unang pag aaway namin ni Thunder, ang unang pagsubok sa akin ng reyna't hari. Nawalan ng ala-ala si Thunder, muntik niya ng pakasalan si Red, muntik na kaming mamatay lahat dahil mas pinili nila na samahan ako, si Viper na naging sakim, si Charm na naging selfish, si Star,Dove at Voltz maging si Rain na nasawi sa laban, ang panganay namin ni Thunder na di pa naisisilang sa mundo ay namatay na, si Yuan na sanggol palang ay kinatuwaan na ng mga diwata, si Cinry na pinag bubuntis ko palang ay excited na ang lahat, ang pag sanib ni Luna kay Cinry, ang pagka matay nila Cinry at Widow at ang pag babalik ni Cinry.......
Ang dami na palang nangyare, mula sa Moonlight Academy, sa Palasyong nasa harap ko at sa buhay ng mga anak ko.
Ilang daang taon narin pala akong nabubuhay....Siguro panahon na para ako ay mag pahinga, masyado na akong maraming nagawa. Pagod na ako at matanda na, may sakit at may taning ang buhay..... Siguro oras na para ako ay mag pahinga.
Nag lakad ako papasok sa palasyo at trono agad naming apat ang una kong nakita. Napa ngiti ako ng maalala ang araw ng kasal namin ni Thunder.
"Ilang daang taon na ang lumipas ngunit ako parin ang kina babaliwan mo mahal ko." Napa ngiti ako sa aking sinabi ngunit bahagya din akong napa luha sa aking mga naiisip.
Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa tuktok ng palasyo kung saan lagi kaming tumatambay ni Thunder nong kami ay bata pa.
Napa ngiti ako at muling napa iyak.
Ilang oras pa ay umalis din ako don at nag tungo sa silid namin ni Thunder, kinuha ko ang papel at ballpen na nasa lamesa at saka nag sulat.Ilang oras pa ay natapos na ako, nag lakad ako para ilagay ang mga minsahe sa mga silid ng lahat saka ko ginamit ang aking natitirang lakas.
Humarap ako sa salamin at binigkas ang isang mahiwagang salita para marecord nito ang sasabihin ko. Ang salamin na nasa harap ko kay kasing laki ko.
Nag simula na akong mag salita at ng matapos na ang aking sasabihin, hinila ko ang salamin papunta sa harap ng pinto ng Winsoul at saka napa ngiti. Agad na napawi ang ngiti ko ng unti unti kong maramdaman ang sakit.Napa tingin ako sa buwan na karugtong ng aking buhay, umiitim na ito at mas lalo pang lumiliit.
Agad akong mag tungo sa punong bulwagan at nahiga sa isang kama na naruon.Napa ngiti ako ng mas lalo ko pang naramdaman ang sakit. Napa tingin ako sa aking mga palad na nangingitim. Napa iyak ako ng unti unti ay humihina ako at nawawalan ng lakas.
At hanggang sa aking huling hininga...... Isang ngiti ang aking binaon dahil sa wakas.... Makakapag pahinga na din ako.....kasama sila mama, papa,Star, Dove,Voltz,Rain,Shadow,Zero at ang panganay namin ni Thunder.
"Salamat."
~~~~~
Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaperLast 6 chapty! Till the end mga bibeh! May isang pasabog ang magaganap! Lovelats! ~RIP

BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasi|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...