Epilogue

1.2K 35 5
                                    

Living in the past Last chapter
Chapter 41: Epilogue
Written by RIP
~~~

Keisha POV

Naka tulala kong pinag mamasdan ang isang larawan ng isang babae na nasa harap ko.
Para siyang isang dyosa...

"Hoi Panget" napa tingin ako sa tumawag sakin at nakita si Yuta.

"Bakit mo tinitignan yung picture ni Moon?" Tanong niya saka tinignan din ang litrato ni Moon.

"Hindi ko alam." Sagot ko at tumingin muli sa larawan

"Para kasing.... Nag kita na kami ni Moon pero... Saan?" Sabi ko.

"Ramdam mo din pala?" Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Pakiramdam mo din na nag kita na kayo?" Tanong ko.

"Hindi, ramdam mo din pala na nababaliw ka na. " natatawa niyang sabi saka humarap sakin. "Pano kayo mag kikita niyan eh isa lang naman yang Fictional character na bida sa storya na Goblin na isinulat ni Cloud Chavez" sabi nya saka inakbayan ako.

"Isa pa... Kung iniisip mo parin na parang nakita mo na sya, pwes mag isip ka ulit kasi hindi naman siya totoo." Sabi niya habang akbay ako.

"Hindi ko kasi alam Yuta... Para kasi talagang--"

"Shhh" pigil niya at tinakpan ang bibig ko.

"Paranoid ka lang Panget ko, alam mo, imbes na yang fictional character na yan ang isipin mo. Isipin mo nalang ang future natin pag nakapag tapos na tayo sa pag aaral." Sabi niya at ngumiti

"Tss seryoso ka? Alam naman nating dalawa na dadating tayo sa puntong sawa na at--"

"Kapag natapos na tayo sa pag aaral, papakasalan na kita agad agad para wala ka ng kawala." Seryoso niyang sabi.

Nasabi ko na ba sa inyo na boyfriend ko na ang baklang to? Simula ng magising kami last month, nag simula siyang manligaw at agad niya namang nakuha ang matamis kong OO. Sabi nila mama, na comma daw kami at anim na buwan kaming naka hilatay sa kama.

Pero alam niyo, pakiramdam ko.... Hindi kami nakoma, parang nasa isang totoong panaginip kami na kung saan parang may nangyaring masama.

By the way, nasa museum kami ng isang sikat na author sa bansa, si Cloud Chavez. Field trip kasi namin ngayun at ito ang huli naming destinasyon.

Sabi kasi ng lahat, si Cloud Chavez daw  ay isang misteryosong nilalang. Eh di pa nga namin nakikita si Cloud na mimisteryohan na talaga kami.

"Hoi panget ko, tara may iba pang picture don." Sabi ni Yuta at hinawakan ako sa kamay saka kami nag lakad.

Napatigil kami sa harap ng isang napaka laking larawan ng dalawang nilalang.
Napa lunok kami ni Yuta at nag katinginan.

"B-bakit tayo....nanjan?" Tanong naming dalawa saka napatingin muli sa napaka laking larawan na nasa harap namin.

Naka akap sakin si Yuta at magka lapat ang labi naming dalawa.
Ngunit kapansin pansin na may spadang naka tusok sa tyan naming dalawa.

Anong..... Anong nangyayare?
Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko.
"Panget ko, ayus ka lang ba?" Tanong ni Yuta sa akin. Napa tango tango ako saka tinignan muli ang larawan.

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon