Chapter 17

929 32 3
                                    

Living in the Past 17
Chapter 17: Red and Keisha
Written by: RIP
~~~~~

Keisha POV

Lalo akong na we-wirdohan dito kay Red. I mean kanina pa talaga ako na we-werdohan sa kanya. You know why? Pano ba naman kasi kanina sa Science Class namin yung mga internal organs ng tao ang lesson namin. So ayun may dalang model si sir tapos ng makita ni Red yun kung ano ano ang mga pinag sasabi niya.

Flashbacks

"Good Morning class"

"Good morning sir"

"Please sit down, this day i will discuss the internal parts of human for our quiz tomorrow" sabi ni sir at nilabas ang mga dala niyang model

*blagg

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong padabog na tumayo si Red kaya naman tinignan ko siya at saka nagtataka kong inobserbahan ang mukha niya

"Ano yan sir?"tanong niya

"Ughm... Organs ng tao?" Naguguluhang sagot ni sir

"What the hell ganito ba talaga kayong mga tao? Pumapatay kayo ng sariling kapwang tao para lang sa ganyan? Di nyo ba alam na masama yun?"sabi ni Red kaya kumunot ang nuo naming lahat

"I'm sorry Ms?"

"Sir tao din yan! Namamatay nasasaktan at may pakiramdam! Kayo kayo na ngalang mga tao ang mag kakapareho mag papatayan pa kayo? Nakaka irita kayo! Alam niyo bang sa mundo namin ay--"

"Red what are you saying? You acting weird"sita ko kaya nataohan siya

"Nag prapractice lang sa spoken poetry namin next week I'm sorry"sabi niya saka muling umupo

Medyo may ilan sa mga kaklase ko ang natawa sa inasal ni Red habang ako naman ay gulong gulo.

End of flashbacks

Ngayun kasama ko nanaman si Red  na nag babasa ng GOBLIN na libro yun yung story na merong kamukha ko. Bigla ko tuloy naalala yung eksena nong nakaraang araw. Yung babaeng tumalon sa mataas na palapag na biglang nawala.

Napa ilig ko nalang ang ulo ko para kalimutan ang naiisip ko saka tumingin kay Red na talaga namang tutok na tutok sa pag babasa ng libro

"Red, ayus ka lang? Seryosong seryoso ka sa pag babasa"sabi ko

Lumingon siya sakin saka ngumiti

"Ayus lang ako medyo nadadala lang ako sa eksena dito sa binabasa ko isa pa ang ganda kaya nito try mo basahin maiiyak ka" sabi niya

"Tss ayoko"sabat ko saka tumingin sa ibang dereksyon

"Ayaw mo dahil may kamukha ka dito?"tanong nya dahilan para mapa lingon ako sa kanya

"Alam mo ba nakaka iyak ang storyang ito kaya kung ako sayo basahin mo siya. Eh ano naman kung kamukha mo ang bida dito? Bakit totoo bang ikaw to?"tanong niya kaya natigilan ako. Ibinaba niya ang hawak niyang libro saka tumingin sakin

"Hindi porket kamukha mo na yung bida don ikaw na agad ang tinutukoy ng storyang yun Fantasy story yun Keisha nasa real world ka i mean tayo"sabi niya kaya napa isip ako

Tama nga naman siya

"Tungkol saan ba yung story?"tanong ko

Ngumiti siya sakin na para bang alam na alam niya ang storya

"Tungkol sa isang reyna na nag ngangalang Moon Steler" sabi niya saka nalungkot ang mukha niya "at tungkol sa anak nyang nasawi sa labanan dahil sa sumpa" sabi nito kaya nabigla ako at naging intresado

Parang may kung anong part sakin na nais basahin ang libro dahil sa napaka interesting nito.

"Hindi kira i spoil sa kwento pero gusto ko basahin mo. Kasi kung ako nga na kanina mo pa nakikita ay nanggigigil na ikaw pa kayang sigurado akong intresado na"sabi niya at inabot sakin ang libro na binabasa niya

"Basahin mo yan at pag nabasa mo sabihin mo sakin kung may naaalala ka sa lahat" sabi niya kaya naguluhan ako

"Huh?"

"Sabi ko basahin mo yan at pag natapos mo na alalahanin mong ibalik sakin ang librong yan"sabi nya at ngumiti saka tumayo

"Pani ba yan? Mauna na ako may susunod pa kasi akong klase ingatan mo ang librong yan Cinry"

Matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya

Cinry... Yun yung binanggit sakin ng babaeng pula yung buhok nong nakaraan.

Red POV

Matapos kong kumbinsihin si Cinry/ Keisha na basahin ang libro ay umalis na agad ako at nag tungo sa bahay ni Cloud. Hindi ko ng hinintay pa na matapos ang klase. Ang gusto ko ngayun ay puntahan si Cloud at alamin ang susunod naming plano para mapapunta si Cinry o Keisha sa mundo namin.

"Cloud" tawag ko ng makarating ako sa bahay.

"Apoy ko bakit ang aga mong umuwi?"tanong niya

"Hmm naibigay at napilit ko na si Cinry--"

"Keisha"putol niya

"Si Keisha na basahin yung aklat na sinulat mo. Ngayun anong susunod na plano?"tanong ko

"Kailangan maging mas malapit pa kayo sa isa't isa ni Keisha Apoy ko"sabi niya saka inalalayan akong umupo

"Ng sa ganon ay maisagawa na natin ang plan B. Ilang buwan nalang ang itatagal ni Moon--"

"Pano pag nag kamali ka lang?"putol ko sa sasabihin niya

"Nag kamali saan?"tanong niya

"Sa nakita mong magaganap sa hinaharap? "Sabi ko

"Red alam mo naman na ang mga pangitain ko ay hindi pa sumasablay. Pero kung mangyayare man yun ay sana maganap yun sa oras na itinakdang lilisan na si Moon"sabi niya kaya natahimik ako

"Natatakot ako" bulong ko

"Natatakot saan?"tanong niya

"Natatakot na baka parusahan ka ng kamatayan at patayin ka"sabi ko

"Ayus lang sakin yun--"

"Pero hindu ayus sakin yun Cloud"

"Red kaibigan natin si Moon, kung ikaw ang biniyayaan ng ganitong kapangyarihan sigurado akong gugustuhin mo din na maging masaya si Moon kahit sa ilang saglit bago siya mawala"sabi niya kaya natahimik ako

Siguro nga. Pero kahit naman na hindi ako biyayaan ng ganong kapangyarihan ay nanaisin ko parin na maging masaya si Moon dahil para ko na siyang kapatid.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon