Chapter 15

924 29 4
                                    

Living in the Past 15
Chapter 15: Reason
Written by: RIP
~~~~~

Cloud POV

Nakita kong pababa na si Red sa hagdan, napa ngiti ako ng makitang suot nya ang damit na binili ko at ireregalo ko sana sa kanya pagbalik ko sa mundo namin.

Puting v neck na sinamahan ng pantalon na itim bagay na bagay sa kanya lalo na ang pula niyang buhok na hanggang pwet ang haba

"Anong ningingiti ngiti mo jan Lalaki?"mataray niyang tanong

At umiral nanaman ang pagiging bipolar niya hayst mahal na mahal ko talaga ang isang ito kahit na parang bulkan siya pagnagagalit.

"Wala ang ganda mo sa suot mo"papuri ko sinamaan niya ako ng tingin

"Anong maganda sa suot kong ito? Napaka sikip nitong binigay mong saplot pang ibaba at itong damit na ito ayoko ng puti Cloud gusto ko Red pula apoy Red"mataray nyang sabi

"Pero wala ng pulang kulay niyan mall"sabi ko "kasi nasa buhay na kita"dagdag ko

"Tigil tigilan mo ko lalaki"sabi niya at lumapit sa harap ko saka tinignan ang mga naka hain sa lamesa natawa ako ng makita ko kung pano siya ngumiwi

"Ano yun?"tanong niya habang naka turo sa Sisig

"Sisig yan masarap yan Apoy ko"

"Eh ito?"

"Inihaw na manok"

"Ito?"

"Inihaw na baboy"

Tinignan niya ako

"Wala bang lason ang mga yan?"tanong niya

"Syempre wala ako ang nag luto ng mga yan"

"Bakit ang bilis naman?"tanong niya

"I have my ways"sabi ko saka kinindatan siya inirapan niya lang ako at naupo sa upuan

"Try mo to"sabi ko at nilagyan siya ng sisig sa plato

"Yan ang pinaka gusto kong pagkain ng mga tao"dagdag ko pinag masdan niya muna ang sisig na nasa plato nya saka tumikim

Nakita ko kung pano siya matigilan at mapalingon sakin

"Ang pagkain na to" sabi niya saka kumunot ang nuo dahilan para matakot ako, baka di niya nagustuhan?
"Bakit walang ganito sa mundo natin?" Dagdag niya dahilan para maka hinga ako ng malalim

"Marami silang ipinag mamalaki na pagkain mamaya try mo yung balot"sabi ko

"Sagutin mo muna ang tanong ko Cloud"sabi nya ng maka upo ako sa kaharap niyang upuan

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot

"Nandito ako para kila Cinry at Widow" sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya

"Nakita mo din sila?"tanong niya

"Dati pa"

"Ano?"

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon