Chapter 18

864 30 1
                                    

Living in the Past 18
Chapter 18: Kidnap
Written by: RIP
~~~~~

Keisha POV


"Tama na! Cinry lumaban ka!"sigaw ng isang lalaki.

"Cinry alam kong ayaw mong masaktan ang iyong ina! Alam kong hindi mo magagawang manakit ng mga nilalang na walang kalaban laban kaya please lumaban ka Cinry! Sabihin mo lang saakin na kailangan mo ako agad akong kikilos para matulungan ka"dagdag nito.

Biglang tumigil ang puting usok sa katawan ng isang babae na tinatawag ng lalaki na Cinry. senyales na siya ang mag sasalita.

Sa una ay tila nagulat siya ng makita ang kanyang ina na naka lutang sa ere at siya ang kumukontrol.

Agad niyang ibinaba ang ina at hinalikan sa nuo ng mawalan ito ng malay.

Ng maka tapak si Cinry sa lupa ay agad siyang niyakap ng isang lalaki.

"Sabihin mo lang sakin kung kailangan mo ako alam kong hindi mo kayang pumatay ng mga nilalang"wika ng lalaki habang yakap si Cinry

Niyakap siya pabalik ni Cinry saka bumulong.

"Tulungan mo ako"bulong ni Cinry kssabay non ang pag tigil ng itim na usok sa katawan ni Cinry senyales na si Luna na ang komokontrol.

Ang yakap ng lalaki ay lalong humigpit ng maramdamang inilipad siya ni Luna sa ere habang yakap ang katawan ni Cinry .

"Anak"bulong ni Luna

Hindi ito pinansin ng lalaki

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon