Chapter 25

855 29 8
                                    

Living in the Past 25
Chapter 25: Selos
Written by: RIP
~~~~~

Keisha POV

Napa kalas ako sa pag kakayakap at napa tingin sa likod ko, mula sa kinatatayuan ko ay nakakita ako ng isang gwapong galit na demonyo na nag ngangalang Yuta.

Teka sinabi ko bang gwapo? Hakhak paki paalala sakin na may utang si Yuta sakin na Piso.

Para siyang prinsepe, naka suot siya ng isang kausotan na pang prinsepe, kulay itim ito at talaga namang babagay sa kanya. Ang buhok niya medyo gulo pero parang sinadya iyon at bagay na bagay sa kanya. Ang pula ng labi niya. At masasabi kong siya yung prinsepe na medyo bad boy.

Ang kaso nakaka kuha ng atensyon ay yung galit niya ngayun. Ano naman bang ipinuputok ng butchi nitong kurimaw na to?

"Oh nanjan ka pala?" Walang emosyon na sabi ni Six. Lumapit si Yuta samin at tinignan ako saka nilipat kay Six ang tingin.

"Uulitin ko, sinong nag sabing yakapin mo si Keisha?" Malamig at nakakatakot na tanong ni Yuta.

Napa ngisi si Six at umiling.

"Siya ang unang yumakap sakin." Sabi ni Six at tinignan si Yuta ng nakakatakot.

"Bakit.....nag seselos ka ba?" Nang aasar na tanong ni Six. Bigla naman akong nabulunan sa tanong ni Six at tinignan si Yuta na walang pag babago ang emosyon. Galit parin ito at malamig ang awra.

"Bakit naman ako mag seselos? Kaselos-selos ka ba?" Pang aasar ni Yuta dahilan para mabaling naman ang tingin ko kay Six.

"Kung hindi ka nag seselos.... Bakit ka umepal sa eksena?" Pang aasar ni Six, napa tingin naman ulit ako kay Yuta.

"Ang sakit niyo kasing pag masdan. Para akong nanunuod ng horror movie ng makita ko kayong mag kayakapan." Sagot ni Yuta. Natawa naman si Six kaya napa tingin ulit ako kay Six.

"At sa tingin mo, kapag ikaw ang kayakap ni Cinry.... Magandang tignan?" Maangas na tanong ni Six.
Napa tingin ako kay Yuta.

"Oo, dahil para sabihin ko sayo bagay kami at para lang malaman mo, AKIN SIYA SIMULA PA NG MAMATAY SILA WIDOW AT CINRY." Sabi ni Yuta at muli akong napa tingin kay Six.

"Bakit... Inaagaw ko ba siya sayo?" Tanong ni Six.

"Oo." Malamig na sagot ni Yuta.

"Kayo ba?" Mapang asar na tanong ni Six kaya napa tingin ako kay Yuta. Tila natigilan siya sa tanong ni Six.

"And the winner is...........Six! Congratulations you win the fliltop battle of the bobo." Sabi ko at nakipag kamay kay Six pero di ko pa yun nahahawakan ng bigla akong hawakan ni Yuta at inilagay sa likod niya.

"Tandaan mo ito.." Sabi niya kay Six saka tumingin ng masama kay Six.

"Sa oras na yakapin, hawakan o kausapin mo si Keisha.... Hindi ako mag dadalawang isip na pumatay ng gaya mong nilalang." Pag babanta ni Yuta.

Natawa naman si Six at umiling iling.

"Tingin mo takot na ako sa sinabi mo? Para sabihin ko sayo, kamukha ka lang ni Widow, tao ka parin at nasa teretoryo ka namin. Baka ako pa ang may gawing masama sayo." Pang aasar ni Six saka tumingin sakin kaya nginitian ko siya at ngumiti din siya sakin.

"WAG MO NGA SIYANG NGITIAN!" inis na sabi ni Yuta sakin kaya napa lunok ako.

"Bakit... Natatakot ka ba na baka maagaw ko siya sayo?" Mapang asar na tanong ni Six kay Yuta.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Yuta saka nag simulang mag lakad habang hila hila ako.

"Yuta sandali masakit!" Angal ko habang hila hila ako ni Yuta. Hindi siya tumigil parang wala siyang naririnig, tuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto ko... I mean ni Cinry. Pabagsak niyang isinara ang pinto saka ako isinandal sa pader at agad na kinulong gamit ang dalawang bisig niya.

"Ano bang gusto mong mangyare ha?" Inis na tanong niya sakin dahilan para maguluhan ako.

"Teka ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko sa kanya

"Ewan! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin! Baliw kang babae ka ginawa mo kong ganito!" Frustrated niyang sabi.

"Anong ginawa ko sayo?" Tanong ko.

"Bakit ba ginagawa mo to ha? Binabaliw mo ko! Ano ba Keisha!" Irita niyang sabi dahilan para matigilan ako.

Binabaliw ko siya? Baliw ba siya? Gago to ah.

"Teka di kita Maintindihan Yuta." Sabi ko.

Huminga sya ng malalim at napa hilamos sa mukha saka seryosong tumingin sakin.

"Ito tatandaan mong babae ka, simula sa araw na to sakin ka lang, walang sino mang lalaki ang lalapit sayo hindi ka pwedeng makipag usap sa mga lalaki maliban sakin. Hindi ka pwedeng ngumiti, sumaya o mag pakita ng emosyon sa kanila dapat sakin lang! Hindi ka pwedeng makipag hawak o hawakan ng ibang lalaki dapat ako lang naiiintindihan mo ba?" Tanong niya dahilan para kumunot ang nuo ko.

"Ano? Baliw ka ba? Ayoko nga." Inis kong sabi.

"Anong ayaw mo?" Irita niyang tanong.

"Yung mga sinabi mo bahala ka jan bakit sino ka ba para gawin ko yun?" Inis kong tanong.

"Gawin mo nalang!" Sigaw niya.

"Paano pag hindi ko ginawa?" Mataray kong tanong.

Unti unti niyang nilapit ang ulo niya sa mukha ko saka ako kinulong sa pader gamit ang dalawang kamay niya

"Itatanan kita."

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousimpaper

Dedicated kila CsRB2017 and Icee_Queenyy
Yan ha! Last na yan 😁😁😁 patulogin niyo na ako hakhak goodnight labyu all! Salamat sa pag support mga indai! Mwuah!

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon