Chapter 21

840 29 0
                                    

Living in the Past 21
Chapter 21: The Deal
Written by: RIP
~~~~~


Keisha POV

"Yuta saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hila hila parin ako ni Yuta

"Uuwi na tayo" sabi niya. Medyo madilim na ngayun sa lugar kung nasaan man kami.

"Paano? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Red? Nasa ibang mundo daw tayo" sabi ko. Tumigil siya sa kakalakad at tumingin sakin.

"At naniwala ka naman? Keisha nililinlang ka lang niya. Walang ebidensya na nasa ibang mundo tayo" sabi niya napa hilamos nalang ako sa mukha at napatingin sa langit. Ang daming bituin at may tatlong buwan na--

Tatlong buwan? Kelan pa nagkaruon ng tatlong buwan ang earth?

"Yuta" tawag ko habang naka tingin parin sa langit.

"Oh?"

"Tignan mo ang langit" sabi ko. Nakita ko naman tumingin siya sa langit at natigilan

"May tatlong buwan" sabi ko.

"Kelan pa nag karuon ng tatlong buwan ang Earth?" Tanong niya. Ibinaba ko ang tingin saka tumingin sa kanya

"Sabi ko naman sayo nasa ibang mundo tayo" sabi ko

Ibinaba niya ang tingin saka tumingin sakin.

"Kailangan maka alis tayo dito" sabi niya

"Pero pano?" Tanong ko

Tumingin siya sa paligid at parang nasa isang gubat kami na ewan. Bakit ba kasi naisipan naming mag punta dito? Dapat kasi di nalang kami umalis don sa palasyong yun.

"Kailangan maituro satin ni Red ang daan" sabi niya.

Napa upo ako sa isang kahoy saka napa tingin sa kanya.

"Pero pano? Ni hindi nya nga tayo pinapaalis" sabi ko.

"Tinatawag ka nilang Cinry" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Tinatawag ka din nilang Widow" sabi ko at napa tingin sa kanya.

"Anong ibig sabihin non?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim

"Palagay ko ang Widow at Cinry na tinatawag nila ay patay na" sabi niya dahilan para kilabutan ako at mapalapit sa kanya.

"Palagay ko nakikita nila ang Widow at Cinry sa atin" sabi niya

"So mean kamukha natin? I mean kamukha ko yung Cinry at ikaw ay kamukha mo si Widow?" Tanong ko

"Parang ganun na nga" sabi niya at huminga ng malalim.

"May nabasa ako sa libro" sabi niya saka tumingin sa langit "ang sabi sa Librong nabasa ko Reincarnation ang tawag don" sabi niya

"Huh?" Tanong ko

"Ang taong may napapanginipang kakaiba at may kumukha. Reincarnation ang tawag don" sabi niya bigla akong natigilan

"Kakaiba? Gaya ng?" Tanong ko

"Yung parang yung isang pang yayare sa panaginip niya ay parang tunay na nangyare" sabi niya
Kaya natahimik ako.

"Alam mo ba simula ng magka isip ako lagi kong napapanaginipan ang isang babae. Namatay daw ito kasama ang isang lalaki. Nasa ere ang babae lumilipad ito kasama ang lalaki. Sinaksak ng lalaki ang babae ngunit sinagad ng lalaki ang saksak kaya tumagos ang spada sa likod ng lalaki." Sabi niya saka napa tingin sakin.

"Kamukha mo yung babae Keisha" sabi niya kaya natahimik ako.

"At pakiramdam ko nangyare na yun" dagdag niya

"Ako naman nananaginip ako ng kagaya sayo ngunit hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Ang tanging nakikita ko lang ay yung babae kanina na tinawag nilang Moon" sabi ko saka napa tingin sa langit.

"Siya daw ang nanay ko at.... Isa daw akong prinsesa" sabi ko saka tumingin kay Yuta  "prinsesang may sumpa" dagdag ko

Sadaling natahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng kuliglig at iba pang insekto ang aming naririnig

"Palagay mo ba na reincarnate tayo?" Tanong ko

Lumingon siya sakin

"Siguro?" Tanong niya saka huminga ng malalim at tumayo

"Ang kailangan nating gawin ay makauwi sa sarili nating mundo" sabi niya saka nilahad ang kamay niya sa harap ko.

Tinignan ko ito saka napa isip

"Tutal narito naman na tayo" sabi ko kaya kumunot ang nuo niya "bakit hindi natin alamin ang sagot sa mga katanungan natin?" Tanong ko

Ibinaba niya ang kamay niya at tumingin sakin ng deretso

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya

"Hanapin natin ang kasagutan sa mga tanong natin. At sa oras na mahanap natin ito ay uuwi na tayo" sabi ko

"Pero pano?" Tanong niya

"Tutulungan ko kayo"

Napa tayo ako sa gulat at napa tingin sa langit. Doon nakita namin si Red na nakalutang sa ere. Agad akong natakot at kinabahan

"Aswang!" Sigaw ko at nag tago sa likod ni Yuta

"Tss" napa silip ako at nakitang nasa lapag na si Red

"Sino ka ba talaga?" Tanong  ko

"Sumama kayo sakin at ipapaalam ko kung sino ako at ano kami" sabi niya kaya kinabahan ako

"Yuta wag" sabi ko ng akmang papayag ito sa gusto ni Red

"Akala ko ba hahanapin natin ang sagot sa katanongan natin?"tanong niya

" pero pano pag kainin nila tayo?"tanong ko

"Isa kang prinsesa" sabi ni Red kaya natahimik ako "hindi kami Titan para kumain ng tao" sabi niya

"Pero yung sa wrong turn di naman sila titan pero kumakain sila ng tao" sabi ko

"Pwes di kami kasing panget ng mga nasa wrong turn" sabi nya

"Not convincing" sabi ko

"Sige dito nalang tayo mag usap" sabi niya at umupo sa puno na inupuan ko kanina at biglang nag labas ng apoy sa kanyang mga kamay dahilan para mamangha ako

"Whow."

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinapaper

Living in the Past (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon