Living in the Past 30
Chapter 30: Birthday party
Written by: RIP
~~~~~
Keisha POV"Kamahalan, ayus na po." Sabi ng taga ayus ng damit ko kaya napa ngiti ako at tinignan ang aking repleksyon sa salamin. Napa ngiti ako ng makita ang ayus ko, grabe. Pang mayaman talaga este pang prinsesa pala.
"Salamat po." Naka ngiting sabi ko bago sila lumabas ng kwarto ko.
"Napaka ganda ng prinsesa ko." Napa tingin ako sa nag salita at nakita si Yuta na naka ngiti habang naka tingin sakin. Iba na din ang damit niya at bihis prinsepe nanaman siya.
Napaka gwapo niya.
"Salamat. Alam kong maganda ako, dati pa." Sabi ko, ngumisi siya at umiling iling.
"Lumalaki ang ulo mo ah. Akin na nga paliitin ko." Sabi niya at lumapit sakin
"Woi, tama na naka tatlong halik ka na sakin kanina ah. Baka maadik ka na niyan."sabi ko. Ngumiti siya at nilahad ang kanyang kamay sa harap ko.
" pwede ko na bang hawakan ang kamay ng aking prinsesa?"parang prinsepe niyang tanong kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Pwede na." Naka ngiting sabi ko hinalikan niya muna ang aking nuo saka inilipat ang aking kamay papunta sa kanyang braso.
"Tara na, nag sisimula na ang party." Sabi niya kaya nag simula na kaming mag lakad papunta sa baba. Ng maka baba kami nag punta kami agad sa labas ng palasyo dahil don gaganapin ang party.
Ang daming bisita. Naka sara ang tarangkahan, at sa lawak ng labas nitong palasyo ay masasabi mong mahigit isang libo ang dumalo.
Nakita kong naka upo si Moon sa gitna katabi ang asawa niya na si Thunder at sa gilid non si Yuan at may bakanteng upuan para saakin.
"Mukhang kailangan ko ng bitawan ang aking prinsesa." Malungkot na sabi ni Yuta kaya napa tingin ako sa kanya.
"Makakasama mo naman ako mamaya eh" naka ngiting sabi ko.
"Wag kang makikipag usap sa ibang lalaki ah, lalo na kay Six." Ma awtoridad na sabi niya kaya pinisil ko ang kanyang magkabilang pisngi at ngumiti.
"Opo" sabi ko at nag simulang mag lakad palapit kila Moon.
Ng makita ako ni Moon, agad siyang napa tayo at lumapit sakin saka ako niyakap.
"Anak, ang tagal mo, na miss kita." Sabi niya habang yakap ako.
"Happy birthday po ina." Sabi ko at kumalas sa yakap. Naka ngiti niya akong tinignan.
"Salamat anak." Naka ngiti nyang sabi. Inalalayan ko syang mag tungo sa kanyang trona bago ako umupo sa upuan ko na katabi ni Yuan.
"Tuloy ba ang plano?" Tanong niya.
"Oo, handa na kami ni Widow, siya ang tutogtog tapos yung cake na ginawa namin ni Widow ay si Red ang mag dadala habang kinakantahan natin siya." Sabi ko. Tumango si Yuan at naka ngiting tumingin kay Red, senyas na handa na ang lahat.
Tumango naman si Red at tumingin kay Ice, ng maipasa na ang sensyas ay biglang dumilim ang kalangitan. Senyas na mag uumpisa na, si Dark ang kumokontrol ngayun dahil mula sa pwesto ko ay nakikita ko kung pano siya gumalaw.
Biglang umulan ng nyebe sa buong paligid na si Ice naman ang dahilan. At mula dito sa kinauupuan ko nakita kong lumipad si Red kasama ang asawa nitong si Cloud, sa itim na kalangitan makikita ang ulap na umaapoy, hugis buwan ito kaya napa tingin ako kay Moon na mukhang nasurpresa.
![](https://img.wattpad.com/cover/115136386-288-k768.jpg)
BINABASA MO ANG
Living in the Past (Book 4)
Fantasy|COMPLETE| Goblin Sequel MOON SERIES 4 Book 4 Book 1 MOONLIGHT ACADEMY BOOK 2 WINSOUL KINGDOM BOOK 3 GOBLIN Libro Ng Propesiya: '" iisang armas ang tumapos sa buhay ng dalawang nilalang Nilalang na mahal na mahal ang isa't isa Hindi man nila nas...