Success
By:@c_sweetladyHindi madali makuha ang tagumpay
Dugot pawis bago mo makamit
Mapaglaro ang tadhana
Ngunit dito pinatitibay hanggang saan kaya mo
Ang kahirapan kadalasan sanhi ng ating paghihirap
Ngunit dito inuubog kung saan kaya mo
Tulad sa mga kuwento napapanood ko
Ang daming nagsasakripisyo
Makamit lang pangarap nila
Ang hirap ng kan'yang pinagdaanan, ngunit hindi sila sumusuko
Laban lang ng laban hanggang makuha mo
Siguro nga, challenges lang ito sa atin
Kung hanggang saan tayo bibitaw o lalaban hanggang sa huli
Dahil hindi matatapos ang kuwento ng buhay na meron tayo dito sa mundong ito
May mga tao huhusga sa'yo
Maraming hindi maniniwala sa kakayahan mo
May mga tao hihilahin ka pababa
Dahil imposible matupad pangarap mo
Pangarap lang minamaliit nila
'Yan ang kuwento ng buhay ng tao
Ngunit dito
Nagpapatibay, mapapatatag ang hanggang saan kaya mo
Darating ang panahon, ang paghihirap naranasan mo
Unti-unti liliwanag, abot kamay na ang tagumpay mo
Panahon nga nagbabago, tao pa kaya
Hirap at sakripisyo lang kailangan mo
Dahil sa huli, nasa harapan mo na pala tagumpay mo
Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok
Pagsubok na lumaban sa ating buhay
Buhay nagbigay sa ating lakas at tatag
-----
Sa isang sulok, nakatingala lang ako sa kawalanMaraming bagay gumugulo sa utak ko
Noon bata pa lang ako, saya lang naramdaman ko
Walang problema, walang dinaramdam
Pero bakit ngayon mulat mo na sa katotohanan
Ngayon malaki ka na, halos problema ng mundo dala mo na.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...