Pag-ibig
By:@c_sweetlady
Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig?
Bakit ang hirap nilang magmove-on?
Dahil ba nagmahal sila ng sobra, o ayaw lang tanggapin ang katotohanan?
Dahil ang pag-ibig ay parang libro lang.
Ang bawat kabanata ng ating buhay ay may nakalaan para sa bawat pahinang ating buksan.
Minsan may masasakit na alaala ka.
Sa lungkot at saya
Sa bawat ngiti niya
Sa bawat panaginip na kasama ka
Baka hindi siya para sayo.
Masakit, pero kailangan mong bumitaw.
Dahil hindi matatapos ang kabanata ng buhay mo.
Kung hindi mo sisimulan sa simula
Move on. Tanggapin ang katotohanan.
Masakit, pero kailangan mong bitawan ang masakit na nakaraan.
Lumipad ka upang matagpuan mo ang tadhanang para sa'yo.
Malay mo na nasa harap mo lang siya o nasa gilid lang?
Dahil ang pag-ibig ay malayang magmahal.
Sana dumating ‘yong time na ‘yon.
Sana sa bagong yugto ng iyong buhay.
May maganda kang alaala na nabubuklat,
na alaala ng kasama ng minamahal
Ang alaala ng taong mahal mo
Isang araw masasabi mo,
Bawat chapter, binubuo ako ng magagandang alaala kasama ang taong mahal ko.
Sa bawat pagbubukas ng mga pahinang ito
Itong mukha, nakangiti lang ako.
Salamat sa librong nabuo ko.
Salamat sa taong naging bahagi ng kabanata ng buhay ko.
Salamat, nagkaroon ng bagong kabanata ang buhay ko.
Ikaw ay kasama sa bawat pagliko ng mga pahinang ito.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...