#82-♥️-Sapat na

42 7 0
                                    

Sapat na 

Written by: @c_sweetlady

Sapat na bang mahalin lang siya?


Hindi sapat na mahalin mo lang siya

Hindi sapat na iniwan mo siya

Hindi sapat na niloko mo siya

Dahil sapat na sa taong nagmamahal saiyo ay hindi mo siya iiwan

Hindi mo siya lolokohin

Hindi mo siya paiiyakin


Dahil ang taong nagmamahal sayo ay makuntento sa lahat ng meron ka


Hindi mo siya bibigyan ng dahilan para kalimutan ka

Tataliuran ka niya

Mawala siya sa buhay mo

Minsan, minahal ka ng totoo

Ibinigay niya ang kaniyang buhay para sa iyo

Ang buong pagkatao niya ay umiikot sa iyo

Ikaw lang talaga ang mahal niya


Oras at araw na sinayang mo lang

Na ibibigay mo sana sa kaniya

Ngayon hindi mo na maibabalik ang buhay na sinayang mo

Dahil kung sapat na siya sayo, wala kang gagawin para mag-udyok sa inyo na makipaghiwalay

Simula pa lang hindi ka naging sapat para sa kaniya.

Ikaw ang may pagkukulang sa inyong dalawa

Ikaw ang may problema sa inyong dalawa

Hindi ka naging sapat para sa kaniya

Ngayon mo mare-realize ang bagay na sinayang mo

Hindi mo na maibabalik ang tiwala na sinayang mo

Nasa dulo ang pagsisisi

Hindi ka naging sapat para sa kaniya








Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon