Pinagtagpo Pero Hindi Tinadhana
By:@c_sweetlady
Pinagtagpo Pero Hindi Tinadhana
Alam mo ba yung feeling nung una mong makita yung taong gusto mo?
Yung nagpapatibok ng puso mo
Biglang tumigil ang mundo ng makita siya.
Yung feeling na siya na yung matagal mo ng hinihintay.
Yung saya na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo siya.
Pero bakit gano’n? Pinagtagpo lang tayo, pero hindi naman pala tinadhana?
Mapaglaro ang tadhana.
Akala mo siya na talaga.
Pero anyway, masaya ako na naging parte ka ng buhay ko.
Walang man, happy ending, para sa ating dalawa.
sapat na para makilala ka,
Siguro nga dumating ka lang sa buhay ko.
Maramdaman ko paano ba magmahal?
Masaya akong kasama ka.
I can feel that smile reaching the sky.
Kapag magkaholding hands tayo, wala tayong pakialam kung may sumalubong sa atin dalawa
Dahil sapat na yun para iparamdam ko sayo na mahalaga ako.
Yong sasabihin mo sa'kin na ako ang forever mo.
Pinaramdam mo lang na mahal mo ako.
That time tayong dalawa lang ang magkasama.
Ipakilala mo ako sa mga taong mahal mo.
Ang lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap.
Masakit, pero kailangan kong bumitaw.
Dahil sapat na iyon para makilala ka.
Mahal kita, pero kailangan kitang bitawan.
Dahil masaya ako kung masaya ka.
Gano'n talaga, pinagtagpo nga lang tayo pero hindi nakatadhana.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...