Labis akong nasaktan
c_sweetladySa iyong paglisan, labis akong nasaktan.
Hindi mo man lang ako magawa ng ipagtanggol, na labis kong dinibdib.
Nagmahal ako sa taong wala naman pagmamahal, na puro kasinungalingan lahat ng ito.
Nilimot na kita, ayaw na kitang makita.
Pero bakit pinagtagpo tayo ulit.
Sa muli nating pagkikita
Inis at galit ang nanumbalik sa puso ko
Nagbalik ang alaala na idinulot mo sa akin
Na gabing iniwan mo lang ako
Takot ang aking nadarama mga oras na iyon.
Tanging naipikit ko na lang ang aking mga mata.
Ngayon tila ba'y, baliwala lang sayo.
Ganyan ka ba ka manhid, o sadyang ayaw mo lang alalahanin.
Gusto kong sumigaw at sabihin na labis mo akong nasaktan.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...