#7- Ok, Tanggap ko na

89 9 0
                                    

Ok ,Tanggap ko na
By:@c_sweetlady



Unang araw na nakita kita, tinitigan na kita.

Simula noon, hindi na kita maalis sa isip ko.

Walang araw, gusto kitang makita.

Ang iyong ngiti ay parang bituing nagniningning sa aking mga mata.

Sa tuwing dadaan ka, napapangiti ako.

Sa tuwing lalapit ka, para akong magnet na hindi makagalaw sa harapan mo.

Hindi ako makatingin sayo.

Sa puso't isipan ko, gusto kong sumigaw at sabihin sayo, mahal kita.

Ganito ba talaga ang pakiramdam mo sa pag-ibig sa isang tao?

Siya ang laging nasa isip mo.

Kahit sa panaginip, siya pa rin ang laman ng utak mo.

Humahanga lang ba ako, o mahal na mahal kita?

Lumipas ang mga araw at buwan.

Para kang baliw, palaging pasulyap-sulyap sa taong gusto mo.

'Yong araw na bigla ka niyang kinausap at sinabing liligawan ka niya, para akong bingi o ang puso ko ay mabilis lang ang tibok.

Pero bakit umaasa pa rin ako na magiging tayo? Salita mo lang ba, o sadyang torpe ka lang?

Lumipas ang maraming taon; nawala ka na sa isip ko.

Ang tadhana ay mapaglaro; bakit tayo nagkita ulit?

Iniwasan ko; ayaw kitang makita.

Ginulo mo ang tahimik kong buhay.

Magigising na lang ako isang araw na ikaw pa rin ang nasa isip ko.

Araw-araw pa rin kitang iniisip.

Bakit ganon? Hindi tayo

Bakit ganito ang nararamdaman ko, o ikaw lang ang nagustuhan ko?

Bakit walang happy ending para sa ating dalawa?

Pinagtagpo lang tayo, hindi itinadhana.





Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon