#4- Taguan Feeling

117 10 0
                                    

      Taguan Feeling
          By:@c_sweetlady

Ako ngayon ay nasa harapan mo; Hindi ako makatingin sayo.

Bakit sa tuwing dadaan ka, ikaw lang ang nasusulyapan ko?

Ang hirap ng ganito; kailan mo ba ako mapapansin?

Sana dumating ‘yong araw na mapansin mo ako.

Ang hirap iparamdam sa taong mahal mo

Naramdaman ko para sayo.

Natatakot kang malaman ng iba

Takot kang matukso sa kanya.

Takot kang magmahal

Takot kang masaktan

Natatakot kang malaman niya ang totoong nararamdaman mo para sa kanya.

Ang daming tanong sa isip ko tungkol sa nararamdaman ko para sayo.

Mahal ba talaga kita, o hinahangaan lang kita?

Sa tuwing tumatawa ka, tumitibok ang puso ko para sayo.

Para kang anghel na nagpapasaya sa buhay ko.

Pero ganoon pa man , sapat na masilayan kita.

Kaya ako ngayon; Ipaparamdam ko lang sayo itong hidden feeling.

Masaya na akong makita ka lang; buo na ang araw ko.

Enough, nakilala kita.

Hindi man tayo para sa isa't isa.

Ganyan talaga ang pag-ibig.

Nagtatago ng nararamdaman




Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon