Crush
Written by: @c_sweetladySa taong hindi ko inaasahang mamahalin ko
Noong nakita kita,
My heart beat na hindi ko masabi
Crush ba, o pag-ibig?
Ang iyong ngiti ay nagpapaliwanag sa aking puso't damdamin
Parang gusto kitang makasama
Mahawakan man lang, mayakap kahit sa panaginip
Simula noon, gusto na kitang makita
Sa bawat sulyap ko, natulala ako
Hindi ko akalain na darating ang araw o mahuhulog ang puso ko sayo
Pinilit kong itago, pero hindi ko mapigilan ang excitement ko
Gusto ko na; ang taong hindi inaasahan ay pinili ng kusa
Pero hindi magbabago ang nararamdaman ko sa puso't isipan ko
Ngunit sa pag-ibig, tanggapin natin ang takot at matinding sakit
Ang mahalagang bagay ay ipahayag ang iyong nararamdaman nang tapat
Sa piling mo, tumibok ang manhid kong puso
At habang lumilipas ang mga araw at oras,
Hindi magbabago ang pagmamahal ko saiyo
Dahil ikaw ang una kong minahal at unang minahal
Ngayon ko lang naranasan ang saya ng umibig sayo
masasabi ko lang sayo
Ikaw ang aking inspirasyon
Panahon na ako'y malungkot
Para kang anghel na nagbigay ng saya sa akin
Sa mundo nang magulo
Ngunit tila ba’y magnet ka na naging liwanag ko
Ang aking crush
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...