T.A.K.O.T
By:@c_sweetladyTakot tayong harapin ang katotohanan
Takot tayong sumubok
Takot tayong mabigo
Madalas tayo pinapangunahan ng takot
Takot sa maraming bagay
Ganito naman tayo di ba? Iyong ramdam natin na parang hindi natin kaya
Na maraming gumugulo sa utak natin
Paano kung hindi natin kaya?
Paano kung hindi tayo magustuhan?
Paano kung mareject tayo?
Tulad ko ang daming tanong tanging sagot ay takot ako maraming bagay
Natatakot ako sumubok, what if hindi ko kaya
Kung papairalin natin salitang takot
Hindi natin makukuha ang bagay nais natin sa buhay
Palakasin mo loob, alisin ang takot sa puso mo
Palayain mo, sumubok ka ng walang pag-alinlangan
Gigising ka na lang lahat ng takot mo
Ngingiti ka, dahil isang bagay na gusto mo nakuha mo
Na walang takot sa dib-dib mo
Walang masamang matakot pero lahat ng bagay sinusubukan
Dahil ikaw gagawa ng buhay mo
Kung magpapatalo ka sa takot
Hindi mo makukuha tagumpay ninanais mo
Takot tayo alamin ang katotohanan
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...