Dalawang Pusong Litong-Lito
By:@c_sweetladyDalawang Pusong Litong Lito
Bakit tayo nagmamahal?
Bakit tayo nasasaktan?
Bakit tayo nagpipilit na bumalik sa nakaraan?
Bakit may mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig?
Iyan ang tanong ng karamihan.
Masaya ako sa tuwing magkasama tayo.
Pero bakit walang happy ending para sa ating dalawa?
Matagal kitang hinintay kahit alam kong wala ng pag-asa.
Dahil sa puso't isipan ko, ikaw pa rin ang puso ko.
Walang araw na hindi kita iniisip dahil nakatatak ka sa puso ko.
Para akong tanga na naghihintay sa wala, kaya naisip ko na oras na para mag-move on.
Pero bakit ganoon? Mapaglaro ang tadhana.
Na wala ka na sa isip ko
Tapos bumalik ka sa buhay ko.
Kailan ako naka-move on?
Nang may nagpatibok ng puso ko
Kapag may nagmahal sa buhay ko ng walang kapalit
Bakit ka dumating sa buhay ko, o pinaglalaruan mo lang ako?
Ang hirap pumili sa dalawang taong naging bahagi ng buhay mo
Yung taong mahal mo pero hindi kayang mahalin ng buong puso o yung taong mahal ka ng higit pa sa buhay mo.
Nagtatalo ang puso't isipan ko.
Ganoon pa man, ang hirap mamili.
Dahil lang doon mahanap mo ang iyong forever.
Dahil isa lang ang kailangan mong piliin, kahit masakit, pero kailangan mong bumitaw at tanggapin ang katotohanan.
Wala naman happy ending sa ating dalawa
dahil sa umpisa pa lang, siya na ang bumitaw d mayroon sa aming dalawa"
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko.
Dahil kung pipiliin ko ang isang tao, pipiliin ko ang taong nagmamahal ng tunay, na lubos na nakamulat sa katotohanan sa aking pagkatao.
Dahil ang pag-ibig ay maraming pagsubok bago mo mahanap ang tunay na pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoesieSpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...