#39- Isang iglap lang nawala ng lahat

43 8 0
                                    


Isang iglap lang nawala ng lahat
         By:@c_ sweetlady

Isang araw nagising na lang ako

Na may tanong! Paano? Bakit at Ano?

Bakit ang bilis na lang nawala?

Bakit sumuko ka na lang bigla?

Bakit ganito, parang dinurugo ang puso ko sa mensahe mo sa'kin

Sasabihin mo nawala akong oras sa'yo?

Iyong oras sinayang ko, kasama kita

Ang mas masakit sasabihin mo sa'kin may mahal ka ng iba

Dahil siya bumuo ng pagkatao mo

Para akong nanghina

Isang iglap lang sumuko ka na

Ako ba? Natanong mo kung okey lang?

Nakakapangigil eh! Sasabihin mo  wala na akong  oras sa'yo?

Sana naman konteng pang-unawa hinihingi ko buhat sa'yo

Pero bakit? Sumuko ka?

Paano naman tayo?

Anong nangyayari sa'tin dalawa?

Isang iglap lang, nawala ng lahat






Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon