Ang kabobohan ko sa ML
c_sweetladyMadalas ko naririnig ang salitang ML, minsan nga dami ko nakikita sa mga post sa Facebook.
Bigla tuloy ako na curious about ML.
'Yong busy ka sa pagbabasa ng wattpad o nanonood ng korean novela ng bigla ka na lang mapapalingon ka sa harapan mo.
Ang lakas ng boses nila, akala mo may kaaway panay sabi nila tangina magTANK naman kayo o kaya tangina walang MM, MAGE, FIGHTER, or SUPPORT madalas ko naririnig sa mga kapatid ko.
Panay tawa nila kapag naglalaro sila sa tuwing nanalo sila. Akala mo nanalo sa lotto diba!
Napalapit ako sa kanila tiningnan ko nilalaro nila.
Nagandahan ako, ginawa ko noong time na may load ako dali-dali ako nag log out sa account ko o di ba makiuso lang. Ang malas naman, hindi ko makalog out. Nag isip ako, paano ko maalis account na to! Ginawa ko binuksan ko YouTube doon ko tiningnan paano magML. Laking tuwa ko ng may nakita ako parallel space lang pala. Agad-agad ko nag-download. Laking tuwa ko ng makagawa ako.
Doon ako nagsimula mag-ml, post ko agad sa Facebook, see para may ipagyabang lang. Ganoon ako ka feeling na magaling mag-ml.
Simula no'ng nag-laro na ako. Sa totoo lang wala ako alam paano laruin. Ako ata 'yong player na pindot gamer lang, see kabobohan ko talaga.
Sa totoo lang CLASSIC lang, 'yon ang lagi ko nilalaro hindi ko pa alam sinasabi nila RANK ang bobo ko noh. Ang dami ko kabobohan dito sa ML.
'Yong unang beses ko mag-classic, 'yon ang hindi ko makakalimutan sa sobra seryoso ko hanggang sa humina ang signal nagchat ako sa mga kalaro ko. Sabi ko, "wala akong signal." Maya-maya may nagreply agad sa akin; sabi niya, "sakay ka sa akin." 'Yon ang unang hero hinahangaan ko sa totoo lang si Johnson. Nagreply agad ako sa kaniya, sabi ko, "paano sumakay first time ko mag-ML." Totoo naman wala naman akong alam, shunga ko noh. Nireplyan niya agad ako tinatawanan lang ako ng, "hahaha." Buti na lang hindi ako sinabihan na ng mga kalaro ko, "bobo." ang babait nila noh.
Anyway, thank you, dahil naging bahagi kayo sa journey ko 'to. Di ba! Kahit hindi ko kayo kilala, pero thank you na experience ko 'to mag-ml.
Lumipas ang araw lagi ako nag-ml, kahit gabi na ml pa rin hanggang sa nilalagnat ako makalaro lang ng ml. Oh! Diba sa kaadikan ko. Feelingera ko kasi.
One time, tinanong nila ako, anong rank muna? Proud ko sinabi warrior tinawanan lang ako. Ang tagal ko na raw sa warrior, hindi pa rin ako makakaalis. Paano naman ako makaalis panay classic lang ako. Kaya naisip ko try ko kaya mag-rank. Nagsimula ako magrank laking tuwa ko nakapag elite agad ako akalain mo lagi ako nanalo.Oh, ah! Naka tsamba ako.
One time, naglaro ulit ako madalas ko ginagamit LAYLA o kaya MIYA. No'ng nagrank ako sabi ko hala! Anong gagamitin ko hero may nag-Layla na at MIYA na. Hindi ko alam anong hero gagamitin ko, ginawa ko hanggang sa napindot ko si RAFAELA, sabi ko sige na nga siya na lang gamitin ko. Seryoso ako maglaro, oh diba! Akala mo naman, kagaling pabuhat lang naman. Sabi ko ano ba 'to ang bilis naman mapatay ni RAFAELA kahit ano kasi pinipindot ko. Hindi nakatiis mga kalaro ko sinabihan ako, "panay ka naman pafeeder." Hala! First time ko na trash talk sa totoo lang, hindi ko naman alam ibig sabihin ng pafeeder time na 'yon. Iyon naman, pala lagi ako napapatay ng kalaban. Kabobohan ko diba! Simula noon, hindi na ako na gamit ng RAFAELA. Takot na ako mag-trash talk, pero natawa ako. Talo nga kami, hindi naman ako nabawasan ng star o diba mabait pa rin sa akin si MOONSTON diba!
Pero narealize ko ganoon talaga sa laro, minsan mananalo ka at matatalo sa huli, hindi mo dapat isipin kung anong RANK ka na, kasi kadalasan ang iba competition ang labanan nila. Grabe sila mag trashtalk akala mo naman pustahan eh! Minsan lang naman sila mabawasan ng star diba sobra naman kasi OA nila, naglaro pa sila kung hindi naman sila sport. Akala naman nila ang gagaling nila, diba! Tama naman ako. Peace po… Alam ko naman ang hirap niyo at seryoso sa laro. Nagkataon lang naging kakampi niyo ako at pabuhat sa grupo.
Ako simple lang maglaro, wala ako paki kung WARRIOR, ELITE, at MASTER lang, kaya ko dahil ako nag-eenjoy lang ako sa tuwing naglalaro ako, napapasaya kasi ako Ng ML. Pero may natutunan ako oh! Ah! Kahit madalas ako bobo kailangan makisama tayo, madalas nakiki comment na rin ako, pero hindi naman ako nakikipag-away ha! Akala niyo mabait naman ako. IYan ang buhay ko ML share ko lang sa lahat ng kabobohan ko sa ML at katangahan ko.
Pero may malupit ako aaminin. 'Wag na 'wag niyo sasabihin ha! Sa totoo lang EPIC na ako, pero hindi ako nag rarank alam niyo ba sino? Syempre hindi ko sasabihin, pero dahil sa mabait ako sige na nga sasabihin ko na rin ang totoo. Sa totoo lang sa kapatid ko, o kaya minsan sa pinsan ko na rin. Alam niyo wala naman ako balak mag pilot ginagawa ko lang mag pilot kasi ayaw ko lagi MASTER lang ako hindi ako makaalis alis, hindi kasi ako nag rarank. Sige na nga magsasabi na ako totoo hindi kasi ako naglo-load sayang kaya load ko diba kuripot ko. Wala naman ako talaga balak mag-pilot may pinagtitripan lang ako pinagyayabang ko kasi na EPIC na ako. Kabobohan ko na nga nagmamayabang pa. Ayon sa sobra competition niya sa akin hala nilaro niya ml niya hanggang sa nag-elite na siya ulit. Master to Elite akalain mo lagi talo siya, sa sobra niya competition ayon pinagunstall niya ang ml niya. Naiinis kasi hindi siya maalis-alis natatawa na lang ako sa tuwing kachat ko siya sinasabi niya lagi siya talo. Kinaumagahan ibinalik niya. Natawa ako kasi alam mo 'yon hindi na niya naibalik dati niya account, 'yan kasi sobra competition niya sa akin. Hoy! Ha 'wag niyo sasabihin sa kaibigan ko peace tayo. Oh ! Siya tapos na ako mag share ng buhay ml ko kabobohan. Basta laro lang walang awayan ha.
Hindi sa lahat ng oras palagi ka panalo. Tandaan mo sa laro kailangan mo matalo do'n palang matuto ka lumaban.
@ML
Dec 04,2018
ML Gamer
Ang kabobohan ko sa ML
-@c_sweetlady
11/20/2019
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...