#81❤️-Langit at Lupa

42 7 0
                                    

Langit at lupa
Written by:c_sweetlady

Sa taong nagmamahalan

Hindi maiiwasan na maraming balakid ang kakaharapin.

Tinatanong mo ang sarili mo tungkol sa taong mahal mo

Dapat ba akong maging karapat-dapat para sa taong ito?

Langit at lupa tayo


Ako ay lupa; langit siya

I mean, bakit siya nasa langit at ako naman ay nasa lupa?

Iba kasi ang estado ko sa kaniya

Dapat ko bang ituloy?

Kung hindi ko naibigay sa kaniya ang pangarap na kinalakihan niya,

Ang hirap sa araw na lagi mong iniisip na sana katulad ko siya

Ito ang kadalasang problema ng iba

Dahil langit at lupa ay ikaw

Na kadalasang binibigkas ng lahat

Pero sa pag-ibig, walang estado sa buhay, basta't mahal niyo ang isa't isa sapat na para sa inyong dalawa

Ngunit may mga taong hindi sapat na gumawa ng isang bagay na sumisira sa dalawang magkasintahan

Dahil hindi sila bagay, hindi sila tanggap ng pamilya

Para naman sa taong nagmamahal niyan, pinipili nila kung mananatili o ipaglalaban ang kanilang relasyon

IYong iba susuko dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa buhay na meron siya

Susuko ka na lang ba?

Natanong mo na ba, puwede ba niya akong samahan, o duwag ka lang?

Kung ganyan ang tingin mo sa langit at lupa,

‘Wag kang magmahal kung wala kang dapat panindigan

Walang formula ang pag-ibig

Nasa langit ka man o lupa

Matanda ka man o mas bata,

Bata ka man o matanda



Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon