#80♥️-Sumuko

34 7 0
                                    

Sumuko
Isinulat ni: c_sweetlady


Hindi ko alam kung saan magsisimula

Lalapit ba ako sa iyo o iiwan kang mag-isa?

Simple, hi, mawawala ba ang sakit na naidudulot sayo?

Alam kong hindi ka okay, kaya hayaan mong ipaalala ko ito sa iyo

Ang pagsuko ay hindi solusyon sa problema

Pagod ka, pero lagi mong tatandaan na okay lang umiyak

Hindi mo kailangang maging sarili mong problema

Nandito kami, handang makinig sa iyo

Pamilya na laging sumusuporta sa iyo

Okay lang mapagod, pero ‘wag kang susuko

Dahil bahagi ito ng ating buhay, tayo ay haharap sa mga pagsubok

Kung pagod ka, magpahinga ka

Hayaan ang iyong sarili na magpahinga, ngunit huwag sumuko

Wag mong hayaang sirain ang buhay mo sa taong hindi karapat dapat

Hindi mawawala ang laban na iyon sa buhay

Challenge lang ‘yan sayo, sa abot ng iyong makakaya

Gumawa ng inspirasyon mula sa sakit na naidudulot nito sa iyo.

In the end, marerealize mo na hindi mo pa siya dapat iyakan.

Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo

Sa bandang huli, makakalimutan mo rin siya

Pangarap mo na kahit pagod ka, wag kang susuko

Sumuko, ngunit lumaban

Sumuko ka, ngunit babangon ka

Sumuko, ngunit magpatuloy








Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon