Iniwan
By:@ c_sweetlady'Wag ka ng umiyak iniwan ka
Tumawa ka dahil nangyari na
Mahirap man pinagdaanan mo sa kan'ya
Siguro nga nasanay ka nariyan siya
Hindi madaling hilumin ang sugat na sawi
Tama na, bumangon ka muli
Sa sakit na dulot sa'yo pighati
Maraming bagay na dapat pagtuunan mo muli
Nariyan mga magulang mo
handa sumuporta sa'yo
Mga kaibigan nariyan sa tabi mo
Sa lungkot naramdaman mo
Ngumiti ka, 'wag mo sayangin ang panahon nawala sa'yo
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoesiaSpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...