Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?
Written by: CheUna tayong nagkilala sa chat.
Hindi ko akalain.
Mabubuo ang ating samahan.
Asaran, kulitan, at kung anu-ano pang paksa
Handa akong makinig araw at gabi.
As long as we talk and I'm happy there
Pero hindi ko inaasahan.
Ako si Tanga, lihim na umiibig sa iyo.Kahit ilang minuto lang
Ikaw ang nasa isip.
Naghihintay ako sa mga mabulaklak mong mensahe.
Sa tuwing mag hugot ka ng mga quotes,
I love it, kahit corny.
Pagdating sayo
Parang perpekto ang lahat.Chorus:
Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?
Teka lang! Baka saglit lang.
Masasabi ko lang na may konting pagtingin
Nakakalito ang damdamin, o nasanay lang ako.
Ikaw ang kausap ko.
Oras na; Kailangan kita.
Ano ba ang nadarama ko para sayo?
Tinamaan ba talaga ako, o ilusyon lang?Lumipas ang mga araw, umiiwas ako. Palagi kong sinasabi sa sarili ko, 'Tanga, chat lang ito.
Huwag kang maniwala.' Pero bakit ganoon, kahit gaano ko pa Paalalahanan ang sarili ko, tinamaan pa rin ako sa iyo.
Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?Parang tangang kausap ang sarili
Ganoon talaga.
Nadala lang ako ng puro pangako.
Naghihintay ng kung ano sa gitna ng malalim na pag-iisip
Teka lang! Baka saglit lang.
magsisinungaling ako sa sarili ko.
Hindi ko kayang lumayo.
Isa akong tanga na mahilig humingi ng sign.
Dahil sa sign na ito, nagulo ang utak ko.Repeat chorus 2x
Ano ang nararamdaman ko para sayo?
Teka lang! Baka saglit lang.
Masasabi ko lang na may konting pagtingin
Nakakalito ang damdamin, o nasanay lang ako.
Ikaw ang kausap ko.
Oras na; Kailangan kita.
Ano ang nadarama ko para sayo?
Tinamaan ba talaga ako, o isa lang itong ilusyon?💖Instagram / Twitter - @che_reblando
❤Youtube / TikTok / Wattpad / Novelah / Moboreader / Typekita - c_sweetlady
💙 Email- reblandoche@yahoo.com / Che.reblando07@gmail.com
💛Facebook- Che J. Reblando
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...