Tamang Panahon
By:@c_sweetladyKapag ang tao sinasaktan ka paulit-ulit
Isipin mo para papel lang 'yan
Siraan ka man at itapon
Hindi ka man pahalagahan sa ngayon
May tamang oras at panahon
Sa huli babangon ka, sila naman parang basura na babalik sa'yo
Sabi nga nila may tamang panahon sa bawat sakit
May tamang panahon sa lahat ng pagsubok
May tamang panahon sa lahat ng paghihirap
Huli man, pero sapat ang bawat tamang panahon
Dahil naniniwala ako sa bawat sakit at paghilom ay may tamang panahon
Sa tamang panahon sa tamang nakalaan.
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...