Buhay Nga Naman
By:@c_sweetladyBakit gano'n napakakumplikado ng buhay ng tao
Mayaman ka man o mahirap
Ang daming hadlang, bago makamit ang tagumpay
Siguro nga pagsubok lang sa ating 'to
Kung hanggang saan tayo susuko o lalaban sa buhay
Para lang ilog 'yan
Aagos lang 'yan kahit saan
Ngunit darating pa rin ang pagsubok
Hihinto at hihinto hindi makakadalos sa kan'yang tinatahak
Dahil maraming sagabal sa kan'yang destinasyon
Ganyan lang ang buhay 'wag kang susuko lumaban ka
Dahil sa huli ikaw ang talo
Paanong mo makakamit ang tagumpay
Kung sa simula pa lang suko ka na
Kahit mahirap kailangan maging matatag ka
Umaraw man o gabi
Do'n pa lang nasusubok hanggang saan kaya mo
Darating ang panahon
Ang daloy ng ilog magiging maayos
Aagos na lang 'yan na walang sagabal
Makakamit mo ang tuktok ng tagumpay ng iyong pangarap
Na pangarap lang naging finish line sa buhay mo
Masasabi ko ito ako ngayon
Isang ilog, lumaban sa daloy ng buhay
Hindi hihinto dahil ang buhay ng tao walang katapusang pagsubok hangad nabubuhay tayo sa mundong ito
Puno ng saya ng paghihirap man
Kailangan mo lang kumapit ng kumapit 'wag kang bumitaw
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...