Binalewala
By:@c_sweetladyIto 'yong mga bagay na nakakatawa na nandiyan siya kinukulit ka para maka-chat ka lang niya pero wala kang paki sa kan'ya
Pero dumating 'yong araw na siya naman hinahanap mo
'Yong simpe HI niya binalewala mo.
'Yong bang hinihintay mo chat niya sa'yo pero hindi ka niya magawa pansinin kahit alam mo online siya
Ikaw naman naghihintay lang na kausapin ka niya
Kung kailan naman handa ka na kausapin siya, atsaka naman siya nawala na walang paki sa'yo
Minsan kasi pahalagahan niyo nasa paligid niyo dahil darating ang oras na sila naman magsasawa na, hindi ka na niya magawa pansinin
Ngayon para kang sirang plaka paulit-ulit na lang inistalk profile pic niya, tapos titingnan mo siya sasabihin na baka busy siya sa iba o baka hindi mo lang maamin na wala na siya gusto sa'yo
Dahil una sa lahat, ikaw ang una bumalewala sa inyo dalawa
Kaya 'wag kang OA, kung balewahin ka niya
Ganyan naman kasi karamihan sa ngayon di ba,'yong bang hugot sa nagpaparinig Na akala mo, niloko, sinaktan, pinaasa lang sila sa wala
Sa simula pa lang ikaw naman gumagawa ng hakbang para balewala ka niya
Ngayon magddrama ka, akala mo artista datingan sa sosyal media
Para ano? Mapag-usapan lang nawala naman kabuluhan
Naku ganyan ngayon, madalas mo mababasa, hindi kasi tanggapin na walang KAYO kung hindi ka nag-balewala sa simula
Tandaan hindi ka lang tao sa mundong ito
Kaya pahalagahan mga tao sa paligid mo
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...