Ang aking pagsubok sa aking buhayAko bilang manunulat maraming ako pinagdaanan sa aking journey as a writer. Noon ang tanging alam ko lang, na kung saan ako malayang pagsulat ay sa wattpad lamang. Pero dahil sa social media, na wala akong ginawa ang mag-scroll ay doon ko nalaman na puwede pala kumita sa pamamagitan ng pagsulat. Sumubok ako sa iba't-ibang platform. Yes po, tama po ang aking nabasa sa social media, kikita ka sa pamamagitan ng pagsulat. Dahil sa kagustuhan ko kumita magtiyaga ako sa aking pagsusulat. Opo, nagsulat ako at matiyagang nag-edit kahit abutin ng alas dose ng gabi. Pero may isang bagay naman kapalit sa tuwing nakatanggap ako ng maganda o kaya approved ang istorya ko. Sa totoo lang, simula noon nagkasakit na ako sa tuwing nakatanggap ako ng kita sa aking pagsusulat. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sadyang sakitin lang akong tao. Kahit na may nararamdaman na akong sakit patuloy ako sa aking pagsusulat. Minsan naisip ko bakit ganoon! Ayaw ba akong tumanggap ng pera galing sa bigay sa akin ng talento o sadyang bawal lang ako kumita o baka ang bigay sa aking talento sa pagsulat ay pawang pang free lang. Ewan ko, bakit ang sakit ko ay sinisi ko sa aking pagsusulat. Kasi noon hindi pa ako kumita sa totoo lang, ang lakas ko pa at walang sakit ako naranasan hindi tulad nito na umabot ng dalawang taon ako nagkasakit. Hindi naman dalawang taon bali nandoon na gagaling ka at may bago na naman nararamdaman, pero nitong 2023 dito ako sinubok ng aking pananampalataya. Opo, humiling ako sa taas na sana bigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. Dahil ang dami ko pa po pangarap sa aking sarili at gusto ko pangalagaan ang aking pamilya, pero baliktad, ako ata ang aalagahan nila ng habang buhay. Opo, dahil sa bawal na sa akin ang magkikilos lalo na mabigat. Madali na po kasi ako mapagod, bawal rin umiyak at mastress. Simula noong gabi sinugod ako sa hospital. Natakot ako ng sinabi ng doktor na 20% na lang ang puso ko. Kung hindi pa ako agad nadala sabi nila bilang na lang raw ang aking buhay. Nagpapasalamat ako sa mga nurse na nag-alaga sa akin at loob ng 4 na araw sa ICU. Sa mga doktor nag-alaga sa akin. Maraming salamat. Sa mga pinsan ko, kapatid ko at higit sa lahat sa aking magulang na hindi ako iniwan. Nandiyan sila sa aking tabi upang alagaan ako. Maraming salamat sa tulong niyo sa akin. Naiyak ako habang nagsusulat. Ngayon malakas na ako at unti-unti na nabalik ang aking sigla. Salamat sa BTS and HORI7ON dahil sa inyo, kayo ang nagpanumbalik ng lakas ko habang pinapanood ko ang mga video niyo na sobra-sobra akong natuwa ng dahil sainyo. Ngayon unti-unti ipagpapatuloy ko pa rin ang aking pangarap ang maging isang published author at salamat rin sa mga publishing naging bahagi ng journey sa aking pagsusulat. Ukiyoto Publishing House at Paperink Publishing House; Thank you, sa pagtupad sa aking mga pangarap.
*Looking for the love
(EM/Jerick and Mitch)*One last cry
(Edmon and Charlene)My first crush and my first love ko
(The prince and princess crown)
-John and cherry-For the first time nag entry ako sa wattys2020 hehehh goodluck sa akin..
Eto rin yung first time ko nagtiwala ako sa sarili ko..makuha man o hindi proud parin ako sa sarili ko atleast itry hindi ako sumuko sa pangarap ko..#wattys2020
c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoésieSpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...